MULING iginiit ni Senator Raffy Tulfo ang pagpapatupad nang matagal na niyang mungkahing VIP processing centers sa airports para istriktong makapkapan at masuri ang mga pasahero ng chartered at special flights na paalis at papasok ng bansa.
Kasabay ito sa pagkadismaya ni Sen. Tulfo ayon sa Privilege Speech ni Sen. Hontiveros na wala na sa bansa si Bamban Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping.
Dahil dito, mahigpit na pinaalalahanan muli ni Idol ang MIAA, Customs at Immigration na iimplement na ang VIP processing centers sa lahat ng paliparan sa bansa.