27.2 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

2.3 M Pilipino sa 21 na probinsya naabot ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

- Advertisement -
- Advertisement -
UMABOT na sa 2.3 milyong Pilipino sa 21 na probinsya ang naabot ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na nakapaghatid ng P17,000 bilyon na halaga ng mga serbisyo at tulong pinansyal mula nang ito’y ilunsad noong Agosto ng nakaraang taon.
Sa BPSF Agency Summit 2024 sa Pasay City, binigyang-diin ni PBBM ang kahalagahan ng inisyatiba bilang simbolo ng pagkakaisa ng mga ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyo publiko. Pinasalamatan ng Pangulo ang mga lingkod-bayan at kawani para sa kanilang dedikasyon, at hinikayat silang ipagpatuloy ang kanilang pagsisilbi para sa kapakanan ng bawat Pilipino. Mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -