LUMIKHA ang ekonomiya ng 1.44 milyong trabaho mula Hulyo 2023 hanggang Hunyo 2024. (Table 1) Umabot sa 1.35 milyong trabaho ang nalikha sa industry at 0.84 milyon sa services, ngunit nawalan ng trabaho ang 1.02 milyong Pilipino sa agrikultura dahil sa matinding El Niño na sumira ng P1 bilyong halaga ng mga pananim. Kahit may 0.73 milyong bagong entrants sa labor force, lumagapak sa 3.1% ang unemployment rate, ang pinakamababang antas nito simula nang itinatag ang estadistika ng labor at employment sa Pilipinas noong 1948. (Table 1)
Paano nangyari ito?
Una, lumago ang ekonomiya ng 6.6% bawat taon sa loob tatlong taon pagkatapos ng pandemya. Dahil dito, lumikha ang ekonomiya ng 10.44 milyong trabaho simula noong Oktubre 2020.
Ikalawa, nag-deploy ang bansa ng 2.33 milyon na overseas Filipino workers as of end-2023. Bumalik na sa kanilang mga trabaho ang mga manggagawang Pilipino pagkatapos manumbalik ang pandaigdigang turismo at pamumuhunan.
Kahit lumago ang labor force ng 8.25 milyon mula Oktubre 2021, sa gitna ng pandemya, pangkalahatang nakamit ng mga baguhang manggagawa ang trabahong nalikha at nabawasan pa ang hanay ng mga walang trabaho na umabot sa 2.19 milyon noong Hunyo.
Sa mga walang trabaho, ang pinakamarami ay mga kabataan. Ang mga may edad 15-24 ay bumubuo ng 35.9% sa mga walang trabaho o 0.79 milyon; ang mga edad 25-34 ay kumakatawan ng 35.2% o 0.74 milyon; at ang mga may-edad 35-44 na karamihan ay dati nang kasama sa labor force, ay kumakatawan ng 14.2% o 0.31 milyon.
Karamihan sa mga walang trabaho (45.6%) % ay mga graduates sa college at undergraduates. Sumusunod sa 31.4% ang mga graduates at hindi pa tapos sa junior high school, at 7.9% na graduates at di pa tapos sa senior high school. Kahit na nag-aral ang mga kabataang ito at gumastos ng mahal na matrikula, mukhang di pa rin sila handa para tanggapin ng mga kumpanya. Kailangan sigurong pag-aralan ng Department of Education (DepEd) at ang Commission on Higher Education (CHEd) ang curriculum para maging mas kaaya-aya ang pagsasanay ng mga mag-aaral at handa sila sa mga trabahong nalikha ng ekonomiya. Kailangan ding ilapit ang mga korporasyon sa mga eskuelahan para maitama ang pagsasanay sa mga pangangailangan ng workplace.
Kahit na dumarami ang trabaho at may trabaho, tumaas ang underemployment rate sa 12.1% noong Hunyo 2024, mas mataas kaysa ang antas nito noong nakaraang taon. Umakyat ang numero ng underemployed sa 6.08 milyon mula sa 4.82 milyong naitala lamang noong nakaraang buwan. Maraming manggagawa ang nagnais na maghanap sana ng trabahong mas mahusay, kita na mas akma sa kanilang kakayahan, at makakapagbigay ng kasiyahan at kasanayan. Ang pinakamalaking biktima ng underemployment ay mga kabataan na may underemployment rate na 12.9%, malaking pag-akyat mula sa 8.5% noong nakaraang taon. Mukhang hindi satisfied ang kabataan sa mga nakuha nilang trabaho at tinanggap na lamang nila ito dahil mahaba na ang panahon ng kanilang paghihintay, marami nang kumpanyang pinilahan at nahihiya na sila sa kanilang mga magulang na umaasang makatulong silang makapag-ambag sa pamilya sa gitna ng nagluluksuhang presyo. Sa kabilang dako, walang kumpiyansa ang mga employers sa pagsasanay ng mga kabataang aplikante.
Kahit maraming trabahong nalikha ng ekonomiya, nahirapang maghanap ng trabaho ang maraming Pilipino, lalo na ang mga kabataan, dahil kakaunti ang mga bagong establisyimiento na itinatayo bunsod ng mataas na interest rates. Bumaba ang paglago ng gross domestic capital formation sa 5.9% noong 2023 at 6.0% noong unang kalahati ng 2024 pagkatapos ng tatlong taong paglago ng 13.2% kada taon pagkatapos ng pandemya.
Sana, sa darating na dalawang quarters, mahawi na ang ulap ng “wait and see attitude”ng mga namumuhunan at simulan na nila ang mga proyektong nakabinbin ng dalawang taon.
Table 1. EMPLOYED PERSONS, Millions | CHANGE | ||||||
2022 | 2023 | 2024 | 2023 v. 2022 | 2024 v. 2023 | |||
January | 43.02 | 47.35 | 45.94 | 4.33 | -1.41 | ||
February | 45.48 | 48.80 | 48.95 | 3.32 | 0.15 | ||
March | 46.98 | 48.58 | 49.15 | 1.61 | 0.57 | ||
April | 45.63 | 48.06 | 48.36 | 2.43 | 0.30 | ||
May | 46.08 | 48.26 | 48.87 | 2.18 | 0.61 | ||
June | 46.59 | 48.84 | 50.28 | 2.25 | 1.44 | ||
July | 47.39 | 44.63 | -2.76 | ||||
August | 47.87 | 48.07 | 0.20 | ||||
September | 47.58 | 47.67 | 0.09 | ||||
October | 47.11 | 47.80 | 0.69 | ||||
November | 49.71 | 49.64 | -0.07 | ||||
December | 49.00 | 50.53 | 1.52 | ||||
Average | 45.28 | 48.20 | 48.10 | 1.32 | 0.28 | ||
SOURCE: Philippine Statistics Authority |
Table 2. UNEMPLOYMENT RATE, % of Labor Force | C H A | N G E | ||||||||||
2022 | 2023 | 2024 | 2023 v. 2022 | 2024 v. 2023 | ||||||||
January | 6.37% | 4.79% | 4.40% | -1.6% | -0.4% | |||||||
February | 6.43% | 4.80% | 3.54% | -1.6% | -1.3% | |||||||
March | 5.77% | 4.80% | 3.90% | -1.0% | -0.9% | |||||||
April | 5.70% | 4.45% | 4.05% | -1.2% | -0.4% | |||||||
May | 5.97% | 4.30% | 4.13% | -1.7% | -0.2% | |||||||
June | 6.03% | 4.55% | 3.12% | -1.5% | -1.4% | |||||||
July | 5.21% | 4.86% | -0.4% | |||||||||
August | 5.30% | 4.40% | -0.9% | |||||||||
September | 4.99% | 4.53% | -0.5% | |||||||||
October | 4.54% | 4.19% | -0.4% | |||||||||
November | 4.20% | 3.56% | -0.6% | |||||||||
December | 4.33% | 3.07% | -1.3% | |||||||||
Average | 5.39% | 4.35% | 3.97% | -1.0% | -0.4% | |||||||
Source: Philippine Statistics Authority |
Table 3. MGA KABATAAN SA LABOR FORCE | ||||
June 2023 | June 2024 | |||
(thousands) | % of Total | (thousands) | % of Total | |
Youth Labor Force | 7,160 | 100.00 | 6,790 | 100.00 |
Employed | 6,449 | 94.97 | 6,208 | 91.43 |
o.w. Underemployed | 548 | 8.50* | 801 | 12.90* |
Unemployed | 711 | 10.47 | 582 | 8.57 |
Source: Philippine Statistics Authority |
*% of Employed