BUMISITA si Senador Imee Marcos sa Floridablanca, Pampanga nitong Biyernes, Agosto 16, para mamahagi ng mga pataba at tulong pinansyal.
Sabi ni Sen. Marcos, “Kasama natin sina Cong. Gloria Macapagal-Arroyo at ang Church of Jesus Christ of Latter-Day Saints sa pagbibigay ng donasyon sa 600 magsasaka na naapektuhan ng Bagyong Egay.
Namahagi rin tayo ng Nutribuns, tubig, mainit na lugaw at mga laruan sa ating Nutri-Jeep.
Dagdag pa niya, “Lubos akong nagpapasalamat sa mga lokal na opisyal, mga pinuno ng barangay at SK ng Floridablanca sa inyong binigay na oras.
”Ibinahagi natin sa kanila ang ating mga panukalang batas sa Senado na pagpapahaba ng termino ng mga opisyal ng barangay pati ang karagdagang sweldo at benepisyo para sa kanila.”
Dumalo rin ang senadora sa ika-33 anibersaryo ng Bureau of Fire Protection sa Lubao, Pampanga.
Kuwento ni Sen. Imee, “ Kasama natin si Cong. Gloria Macapagal-Arroyo sa ika-33 anibersaryo ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Lubao, Pampanga nitong Biyernes, Agosto 16.
”Talaga namang saludo ako sa ating BFP sa kanilang kagitingan at dedikasyon sa pagserbisyo sa publiko.”