30.9 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Industriya ng lambanog sa Quezon, patuloy ang pagyabong

- Advertisement -
- Advertisement -

DINALUHAN ng libu-libong magsasaka ng niyog kasama na ang mga distillers, sellers, at resellers ng lambanog sa buong lalawigan ng Quezon ang kauna-unahang Quezon Lambanog Summit na ginanap sa Quezon  Convention Center nitong Agosto 14.

Sa temang “Quezon Lambanog: Opportunities, Challenges and Impact to Tourism,” layon ng pagtitipon na makapagbigay ng mga mahahalagang kaalaman at impormasyon, mga solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng industriya ng niyog at lambanog upang mas lalo pa itong mapalakas at mapaunlad.

Naging panauhing pandangal sa programa, na bahagi ng Niyogyugan Festival 2024, sina Senator Maria Imelda Josefa Remedios  “Imee”  Marcos at Quezon Governor Doktora Helen Tan.

Inihayag ni Sen. Marcos na kanyang sinigurado na may kasangga ang lalawigan ng Quezon sa Senado para sa pagpapayabong ng  industriya ng niyog.

Ayon naman kay Governor Tan, patuloy ang pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan upang makapagbigay ng sustenableng hanapbuhay para sa bawat Quezonian na magniniyog, at kanyang ibinahagi ang paglalagay na ng selyo at FDA Approved ng bawat Lambanog na mula sa lalawigan.

“Ipatutupad din po natin ang replanting ng mga punong niyog,  scholarship program sa mga anak ng mga magniniyog, proyektong pangkalusugan  at farm to market road sa pamamagitan ng coco levy fund”, sabi ni Gov. Tan

Samantala, ipinagutos din ng gobernador ang paglalagay ng selyo at FDA approved certification sa bawat produkto ng lambanog na mula sa lalawigan ng Quezon upang masiguradong ligtas at dekalidad ang produkto ng lalawigan.

Matatandaang nito lamang Marso 2024 ay hinirang ang lambanog ng Quezon Province bilang ikalawang best spirit sa buong mundo ng kilalang online food and travel guide na TasteAtlas matapos magkamit ng score na 4.4, kung kaya’t ang pangunahing layunin ng summit ay mas mapaigting at mapaunlad pa ang produksyon ng lambanog.

Bahagi ng naturang summit ang patimpalak sa Best Tasting Pure Lambanog at Best Lambanog Product Display na nilahukan ng mga lambanog producers, samahan ng mga magsasaka at mga kooperatiba.

Nagkaroon din ng panunumpa ng mga miyembro ng Quezon Lambanog Industry Development Council (QLIDC), paglulunsad ng Niyogyugan Foundation, at presentasyon ng Quezon Coconut Industry Road Map 2024-2026. (RO/PIA-Quezon)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -