30.9 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

32 kalabaw, ipinamahagi sa mga magsasaka sa Boac, Marinduque

- Advertisement -
- Advertisement -

TUMANGGAP ng tig-iisang babaeng kalabaw mula sa lokal na pamahalaan ang nasa 32 mga magsasaka sa bayan ng Boac.

Sa ilalim ng Carabao Dispersal Program ng Boac LGU ay namahagi ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng mga hayop na makatutulong ng malaki sa kabuhayan ng mga magsasakang benepisyaryo.

Kabilang sa mga tumanggap ay ang mga magsasaka mula sa Barangay Cawit, Duyay, Laylay, Ihatub, Bangbangalon, Daig, Pawa, Balogo, Isok 2, Sabong, Tanza, Maligaya, Mahinhin, Bantad, Tugos at Balagasan.

Ayon kay Mayor Armi DC. Carrion, layunin ng programa na suportahan at palakasin ang sektor ng pagsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng karagdagang mapagkukunan ng kanilang kabuhayan.

“Dahil sa ating inisyatiba na carabao dispersal program, inaasahang mapabubuti ang produksyon sa agrikultura at mapalalaki ang kanilang kita, lalo’t higit ang sitwasyon ng buhay ng ating mga magsasaka,” pahayag ng alkalde. (PIA MIMAROPA-Marinduque)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -