30.9 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

270 mag-aaral sa Tagkawayan, tumanggap ng educational assistance

- Advertisement -
- Advertisement -

UMABOT sa 270 mag-aaral mula sa bayan ng Tagkawayan, Quezon ang tumanggap ng tig-P5,000.00 Educational Cash Assistance mula sa Office of the Municipal Mayor sa pamamagitan ng Municipal Gender and Development Office nitong Huwebes,  Agosto 1.

Ang pamamahagi ng educational assistance ay pinamahalaan ng MGAD Office sa pamumuno ni Rhea Rodriguez at PESO sa pamamagitan ni Jay Alpuerto, katuwang ang Tanggapan ng Pambayang Ingat-Yaman sa pangunguna ni Municipal Treasurer Ma. Adelaida Lamina.

Ayon sa Tagakawayan Public Information  Office, ang programa ay bahagi ng pagsasa-prayoridad ng administrasyon ni Mayor Carlo Eleazar katuwang ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Danny Liwanag na makapagbigay tulong sa mga mag-aaral sa kolehiyo at senior high school.

Sa kabuuan, umabot sa P1,350,000.00 ang naipamahaging tulong pinansyal sa mga estudyante.

Bukod sa distribusyon, nagbigay-kaalaman din ang tanggapan ukol sa Gender Sensitivity para sa mga mag-aaral. (RO/PIA Quezon)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -