PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng Integrated Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation Project-Stage 1 (IDRR-CCA 1) nitong Agosto 7 na may layuning pabilisin ang paghupa ng baha sa ilang munisipalidad sa Pampanga na kinumpleto ng Department of Public Works and Higways (DPWH).
Sa inauguration ceremony sa Masantol, Pampanga, binigyang-diin ni PBBM ang potensyal ng IDRR-CCA 1 na isulong ang disaster resilience at pagandahin ang pamumuhay sa lalawigan. Nanawagan din ang Pangulo sa mga residente at lokal na pamahalaan na makiisa sa pagtugon sa pagbabaha sa bansa. Mula sa Facebook page ng DPWH