26.5 C
Manila
Sabado, Disyembre 21, 2024

๐—ง๐—ผ๐—น๐—น ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—ฒ, ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐˜€๐˜‚๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ฒ ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—ฒ๐—ป ๐—ง๐˜‚๐—น๐—ณ๐—ผ

- Advertisement -
- Advertisement -

PANSAMANTALANG ipinasususpinde ni Sen. Idol Raffy Tulfo ang nakatakdang toll rate increase ng Toll Regulatory Board para sa SLEX at SCTEX ngayong Agosto hanggaโ€™t hindi pa nailalagay sa maayos ang kanilang serbisyo, na sinang-ayunan ni TRB Executive Director Atty. Alvin Carullo.

Sa hearing ng Senate Committee on Public Services, isiniwalat ni Sen. Idol ang talamak na samuโ€™t saring mga problema sa mga expressway, gaya ng pagkabuhol-buhol ng traffic sa toll plazas dahil sa madalas na pumapalpak na RFID system, at mga pagbaha sa expressways tuwing may malakas na ulan.

Kasama na rin dito ang problema sa toll payment accounts na nagzi-zero balance kahit na kakaload lang ng motorista ng sapat na halaga.

Nauna nang nagtaas ng toll fee noong June 2024 ang NLEX pero bilang Public Services Committee Chairperson, pipigilan ni Sen. Tulfo ang lahat ng toll rate increase attempt sa iba pang mga expressway hanggat hindi naaayos ang mga inirereklamong problema laban sa kanila.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -