25.1 C
Manila
Miyerkules, Enero 22, 2025

2 makasaysayang ginto nasungkit ni Yulo sa Paris Olympics

MAGKASUNOD na nakamit  ng gymnast na si Carlos Yulo ang ginto sa Paris Olympics nitong Sabado, Agosto 3, at Agosto 4, 2024, sa men’s floor at vault finals ng gymnastics. Ito ang ikalawang beses na nakatanggap ang Pilipinas ng ginto mula sa Olympics. Naunang nakamit ng weighlifter na si Hidilyn Diaz ang Olympic gold noong 2020 sa Tokyo Olympics.

Nakatanggap si Yulo ng score na 15.000 points at natalo niya ang defending champion na si Artem Dolgopyat ng Israel na nakakuha ng malapit na score na 14.966 sa floor exercise samantalang nakakuha siya ng score na 15.116 points sa vault category.

Inuulan ng pagbati at premyo

Dahil dito, nagbunyi ang buong Pilipinas at inuulan siya ngayon ng mga pagbati sa social media. Hindi magkamayaw ang mga pagbati maging ng Megaworld Corporation na magbibigay sa kanya ng 24 milyong halaga ng fully-furnished condo sa McKinley Hill ayon sa post nito sa Facebook.

“It’s a gold for the Philippines! Congratulations Carlos Yulo! Welcome to your McKinley Hill home!”

Ito ang bati ng Megaworld sa ikalawang pagkakataon.

“Extraordinarily well done! A night after winning his first Olympic gold medal, Caloy Yulo rewrites history by claiming the Philippines’ second gold at the 2024 Paris Olympic Games to become the only Filipino athlete to win multiple Olympic gold medals.

Thank you for showing the world what Filipino excellence is all about. We are proud of you, Caloy!”

Nagkatotoo ang bati ni PBBM

Samantala, nagkatotoo ang  bati ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na  “I am confident that it will not be the last.”  na post sa kanyang Faceook page na Bongbong Marcos.

“We’ve witnessed history as Carlos Yulo clinched the Philippines’ first GOLD medal in artistic gymnastics at the Paris 2024 Olympics.

I am confident that it will not be the last.

Congratulations, Caloy! The entire country stands proud with you!”

Sa ikalawang pagkakataon ay binati muli ni PBBM si Yulo sa kanyang FB post.

“No words can express how proud we are of you, Caloy. You have achieved GOLD for the Philippines not once, but twice!

Filipinos all over the world stood united, cheering and rooting for you.

Aming ipinagmamalaki ang tagumpay mong nagniningning! Saludo kami sa iyo.!

VP Sara sinaluduhan si Yulo

Congratulations, Carlos Yulo!

Saludo ang Office of the Vice President kay Carlos Yulo, ang pambato ng Pilipinas na kauna-unahang nakapagkamit ng makasaysayang Olympic Gold Medal sa larangan ng Artistic Gymnastics sa kasalukuyang ginaganap na Paris 2024 Olympics.

Senate of the Philippines: Galing ng Pinoy

“The Senate of the Philippines joins the nation in celebrating the victory of Carlos Edriel Yulo at the 2024 Paris Olympics.”

Hidilyn Diaz natuwa para kay Caloy

Mula sa FB post ni Hidilyn Diaz

Dalawang beses rin na bumati ang unang gold Oluympic medalist na si Hidilyn Diaz kay Yulo.

Aniya sa kanyang post sa Facebook noong Sabado, “Para sa iyo, Caloy: Proud ako sa iyo. I-enjoy mo ang bunga ng pinagpaguran mo. At lagi mong ibabalik — sa Diyos at bayan, dahil lahat ng tagumpay natin ay hindi pansarili. Salamat sa lahat ng maganda at mabuting ginagawa at gagawin mo pa para sa Diyos at bayan”

Kagabi, Linggo, ito ang ang sinabi ni Diaz, “Congratulations ulit Caloy! Ang galing!

Ipinagmamalaki kita hindi lang sa mga medalya mo kundi dahil sa hirap na pinagdaanan mo para makamit ang tagumpay , para sa sarili at higit pang lalo , para sa bayan.

Magkikita tayo dyan Caloy at mahigpit na yakap mula sa Ate Haidie mo! God bless you!”

Second Gold Medal Victory

Narito ang mga pagbati mula sa Philippine Sports Commission (PSC) kay Yulo.

“Carlos Yulo is now a double gold medalist at the #Paris2024 Olympics as he reigned supreme in the Men’s Artistic Gymmastics – Vault Finals!

Carlos, isa kang patunay na #BidaAngBayaningManlalaro kung ang laban ay para sa inang bayan. Maraming salamat at mabuhay ka!”

ito ang naunang pagbati ng PSC,” Carlos Yulo brings home the country’s first gold medal at the Paris 2024 Olympics! Carlos Yulo delivered an outstanding performance to tally a score of 15.000, besting Spain, Israel, China, United Kingdom, Kazakhstan, and Ukraine.

Mabuhay ka, Carlos! Salamat sa pagpapatunay na #BidaAngBayaningManlalaro!

P20 M mula sa gobyerno

Sa ilalim ng Republic Act 10699, kilala rin sa tawag na Sports Benefits and Incentives Act of 21001, ang mga Filipino Olympic gold medalists ay makatatanggap ng P20 milyon (10M sa floor at 10M sa floor) at Olympic Medal of Valor na igagawad ng Philippine Sports Commission.

P3M mula sa House of Representatives

Samantala nangako ang House of Representatives na bibigyan nila ng P3 milyon ang mga magwawagi.

- Advertisement -

- Advertisement -