BINATI at nakiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, at binigyang diin ang mahalagang papel ng wikang Filipino sa pagpapaunlad ng pambansang pagkakaisa at karangalan.
Sinabi ng Pangulo na ang taunang pagdiriwang na ito, na itinakda ng Proklamasyon Blg. 1041, ay nagsisilbi upang itampok ang kahalagahan ng wikang Filipino sa kasarinlan at pagkakakilanlang pangkultura ng bansa.
Hinihimok ni Pangulong Marcos na yakapin at itaguyod ang kanilang katutubong wika at panitikan upang palakasin ang pambansang pagkakaisa at pag-unlad. Mula sa Facebook page ng Office of the President