26.7 C
Manila
Sabado, Disyembre 21, 2024

Pagpapatayo ng mga evacuation center sa bawat lungsod, munisipalidad isinusulong ni Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

SA gitna ng pananalasa ng bagyong Carina, muling isinusulong ni Senador Win ang pagkakaroon ng mga evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad.

Larawan kuha ni Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

 

Paliwanag ni Gatchalian, madalas gamitin ang mga pampublikong paaralan bilang evacuation centers, bagay na nakakaantala sa pagpapatuloy ng edukasyon. Sa ilalim ng Department of Education (DepEd) Order No. 37 s. 2022, hindi dapat lumagpas sa 15 araw ang paggamit sa mga paaralan bilang evacuation center.

 

Isa si Gatchalian sa mga may akda ng Ligtas Pinoy Centers Act (Senate Bill No. 2451) na layong magtayo ng mga evacuation center sa bawat lungsod at munisipalidad sa bansa. Sa ilalim ng panukala, ang mga naturang evacuation centers ay magsisilbing pansamantalang tirahan ng mga mamamayang apektado ng mga sakuna at kalamidad kagaya ng pagbaha, bagyo, lindol, sunog, at ang pagkalat ng iba’t ibang mga sakit.

 

“Dahil madalas tayong nakakaranas ng mga kalamidad tulad ng bagyo at baha, mahalagang tiyakin natin ang kahandaan ng ating bansang rumesponde, kabilang ang pagbibigay ng pansamantalang tirahan sa mga nasalanta. Bahagi ng pagpapaigting ng ating kakayahang rumesponde sa mga kalamidad ang pagkakaroon ng mga evacuation center, at napapanahon nang simulan natin ang pagpapatayo sa bawat lungsod at munisipalidad,” sabi ni Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

 

Sa ilalim ng Ligtas Pinoy Centers Act, kailangang maging matatag ang mga evacuation centers sa gitna ng pananalasa ng mga lindol na may 8.0 magnitude at mga super typhoon o wind speed na 300 kilometers per hour. 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -