25.1 C
Manila
Martes, Enero 21, 2025

Zubiri: Nasa agrikultura ang pagasa ng Bayani

- Advertisement -
- Advertisement -
NAGING panauhing tagapagsalita for si dating Senate President Miguel Juan “Migz” Zubiri sa nakaraang 11th Congress ng Philippine Association of Agriculturists Inc. kasabay ng kanilang 2024 Philippine Agriculturists Summit.
OLYMPUS DIGITAL CAMERA
Ayon kay Sen Zubiri, “Nasa agrikultura ang pag-asa ng ating bayan. Sa masiglang agrikultura, masigla rin ang kabuhayan ng mamamayan at lalago ang ating ekonomiya.
”Kaya naman karangalan ko po na maimbitahang Keynote Speaker sa 11th Congress ng Philippine Association of Agriculturists Inc.
”Napakagandang oportunidad nito para mapalakas ang pagkakaisa ng ating mga agrikulturista, tungo sa mas maunlad na sektor pang-agrikultura, na mag-aangat ng ating mga magsasaka pati na ng bawat pamilyang Pilipino.
“Bilang agrikulturista rin, kasama ako ng sektor sa patuloy na pagpapalakas ng ating agrikultura.
Masaya ring ibinalita ni Sen. Zubiri na ay nanumpa rin ng araw na iyon bilang agriculturist sa Professional Regulation Commission.
Kuwento niya,”Ang inyong Trabahador ng Senado, isang PRC (Professional Regulation Commission) Licensed Agriculturist na rin po!
”Bilang Agribusiness graduate mula sa UP Los Baños, at matagal nang kampeyon ng ating mga magsasaka, napakalaking karangalan po na gawaran tayo ng PRC Board of Agriculturists bilang isang licensed o registered agriculturist.
“Nakapag-oathtaking po tayo sa harap ng libu-libong agrikulturista, at na-induct rin tayo bilang miyembro ng Philippine Association of Agriculturists. Naging pagkakataon rin ito upang makipagpulong tayo sa kanila tungkol sa lagay ng ating sektor pang-agrikultura.
”As a newly licensed agriculturist, lalo pong tumibay ang aking commitment na iangat ang ating agrikultura, tulungan ang ating mga magsasaka, at siguruhin na abot-kaya ang presyo ng pagkain para sa bawat Pilipino.
“Saludo tayo sa ating mga kapwa agrikulturista, at sama-sama nating palalakasin ang ating sektor.
”Maraming salamat kina PRC Board of Agriculture Chairperson Dr. Emma Sales, PAA Chairperson Dr. Robert Rañola, PAA President Dr. Karen Bautista, at sa lahat ng mga kapwa nating agrikulturista na nakasama natin.”
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -