28.5 C
Manila
Huwebes, Disyembre 26, 2024

Villar, ayaw sa bullying

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKIISA si Senator Cynthia Villar sa samahan ng mga magulang na nananawagang ipatigil ang bullying at bumuo ng isang ligtas at mapayapang komunidad para sa ating mga anak at sa darating na henerasyon.

“By promoting kindness and empathy, you help both the bullies and victims feel safe, loved, and valued,” ani Villar sa Grand Launching ng United Concerned Parents Advocacy Group of the Philippines (UCPAG) na ginanap sa Villar Coliseum sa Las Pinas.

Sinabi niya na itinatampok sa temang “Our Environment. Our Future” sa taong ito ang mahalagang koneksyon sa kalusugan ng daigdig at kapakanan ng hinaharap na henerasyon.

“A bully-free atmosphere enhances emotional well-being, reduces anxiety, and fosters healthy relationships, which in effect encourage respect and inclusivity, be it in school or the neighborhood,” dagdag pa ng Senador.

Iginiit ng senador na kapag walang bullying, matututukan ang mga bata ang kanilang pag-aaral at malayang magagawa ang ang kanilang interes.

Samhi nito, mapalalakas ang kanilang potensiyal na maging responsableng mamamayan.

Magkakaroon din sila ng kumpiyansang magbigay ng positibong ambag sa lipunan sa hinaharap.

Pinasalamatan niya ang UCPAG’s STOP Bullying campaign lalo na ang founder na si Ronaldo Gaon dahil sa importanteng papel nito sa pagbuo ng isang supportive at caring environment sa mga paaralan st komunidad.

“Your commitment to create a nurturing environment for our children aligns well with the observance of the Philippine Environment Month last June,” sabi pa ni Villar.

Itinatag noong 1988 sa ilalim ng Proclamation No. 237, layunin ng okasyong ito na mapaigting ang environmental awareness at hikayatin ang mas malawak na partisipasyon ng lahat sa sustainability efforts.

“We are all encouraged to connect more deeply with nature, adopt more sustainable practices, and shift our lifestyles from harming the environment to healing it,” ayon pa sa senador.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -