30.9 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Pahayag ni Sen Villanueva sa dagdag na P35 sa minimum wage ng mga manggagawa sa NCR

- Advertisement -
- Advertisement -

BAGAMA’T welcome po para sa atin ang P35 daily minimum wage hike, batid po nating hindi ito sapat para matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng ating mga manggagawa at nang kanilang mga pamilya.

Ito po ang dahilan kung bakit isinusulong natin ang ingklusyon ng living wage bilang isa sa mga pamantayan sa pagtukoy ng minimum wage, alinsunod na rin po sa ating Saligang Batas.

Kasama po sa pamantayan ng living wage ang pag-konsidera kung ang sahod ay natutustusan ang pagkain, sapat na nutrisyon, maayos na tirahan, at ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Bilang bagong Committee on Labor Chair, bibigyang prayoridad po natin ang pagdinig sa Senate Bill No. 2140 sa pagbubukas ng sesyon ng Senado. Mula sa website ng Senate of the Philippines

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -