HINDI sang-ayon si Senate President Chiz Escudero sa dagdag sahod na inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board. Ito ang kanyang post sa kanyang Facebook page.
Aniya, “Hindi sapat ang P35 na dagdag na umentong inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board para sa mga manggagawa ng NCR. Hindi nito matutugunan ang pangagailangan ng mga manggagawa lalo sa gitna nang nagtataasang presyo ng pangunahing bilihin.
“Ipinasa na ng Senado ang panukalang P100 across-the-board wage increase at patuloy na ipaglalaban at tatayuan ng Senado ang prinsipyo at paniniwala na: ‘ang kaunting bawas sa kita ng negosyante (na di naman nila ikalulugi) ay malaking pakinabang at tulong sa ating mga manggagawa.’