UMABOT sa 1,600 Marikenyo ang natulungan ng isinagawa health caravan nina Senador Aquilino “Koko” Pimentel at Special Envoy Kat Pimentel, sa pakikipagtulungan sa Manila Doctors Hospital.
Ang Marikina Multi-Specialty Medical Mission and Surgical Screening ay pinangunahan ng 130 volunteer na doktor, surgeon, at nars noong Sabado sa Barangay Malanday sa Lungsod ng Marikina.
Sinabi ni Pimentel na ang mga serbisyong ibinigay ay komprehensibo at malawak, kabilang ang dental extraction, oral prophylaxis, at konsultasyon, kasama na rin ang internal medicine na may espesyalidad sa cardiology, pulmonary, gastroenterology, at nephrology.
Ang mga serbisyo ng obstetrician gynecologist (OB-GYN) ay kabilang din, tulad ng pap smears, acetic vinegar testing, konsultasyon, at screening para sa myoma sa ilalim ng Women Empowerment through Surgical Help on Ovarian and Uterine Tumors program, na kasama ang libreng operasyon mula sa Manila Doctors Hospital.
“Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mahahalagang serbisyong medikal nang walang bayad, nakatulong tayo na ang bawat isa ay may pagkakataong makatanggap ng pangunahing atensyong medikal at mapabuti ang kanilang pangkalahatang kalusugan. Layunin natin magdala ng serbisyong pangkalusugan diretso sa mga tao at pagtugon sa agarang pangangailangang medikal ng ating komunidad,” sabi ng senador.
“Ang kalusugan ay aming prayoridad. Natis natin na matiyak na ang bawat Marikenyo ay may access sa kinakailangang mga serbisyong medikal. Sa pamamagitan ng inilunsad nating health caravan katuwang ang Manila Doctors Hospital, mababantayan natin ang kalusugan ng ating mga kababayan lao na sa lungsod ng Marikina,” sabi ni Kat Pimentel.
Ang misyon ay pinangunahan ng isang mga kilalang propesyonal sa medisina, kabilang sina Dr. Genaro Chan, chairperson ng Department of Outpatient; Dr. Edmund Ong, committee chairman ng External Medical and Surgical Mission at vice chairman ng Department of Otorhinolaryngology; Dr. Manuel Delfin Jr., chairman ng Department of Ophthalmology; Dr. Anunsacion, chairman ng Department of Dental Medicine sa De Ocampo Memorial College; Dr. Sonya Raisa Paulino, training officer ng Department of Pediatrics; Dr. Elmer Angus, former chairman ng Department of Family & Community Medicine; Dr. Angela Laborte, former training officer ng Department of OB-GYN; Dr. Michelle Cloa, section chief ng Section of Gastroenterology; Jill Alvarez, head ng Corporate Sustainability Initiatives Office; Airah Lorico, assistant head ng Corporate Sustainability Initiatives Office; at Sheryll Ann Limson, head ng Department of Pharmacy.
Ang medical carava ay isinagawa sa suporta nina Congresswoman Maan Teodoro at Marikina City Mayor Marcy Teodoro.
Ang mga serbisyo para sa orthopedic physically handicapped (OPH) ay nagbigay ng mahalagang pangangalaga sa mata, kabilang ang eye refraction, screening para sa katarata sa ilalim ng Share the Gift of Vision program, at libreng salamin sa mata. Bukod pa rito, ang mga serbisyo ng otorhinolaryngology (ORL) ay isinagawa tulad ng minor surgery, screening para sa cleft lip at palate sa ilalim ng Bridging the Gap program, at ear flushing, na pinalawak pa ang saklaw ng misyon.
Ang pediatrics at surgical services ay mahalagang bahagi rin ng medical caravan. Ang pediatric care ay tiniyak ang kalusugan at kagalingan ng mga bata, habang ang surgical services na kasama ang minor excision para sa pasyente at circumcision para sa pasyente. Ang screening para sa hernia, gallstones, at goiter ay isinagawa sa ilalim ng Goiter Ends Today through Surgery program, na kasama rin ang libreng operasyon mula sa Manila Doctors Hospital.
Bukod dito, iba’t ibang diagnostic exams ang ginawa on-site, kabilang ang chest x-ray, 2D-echo (plain), at ECG.