30.2 C
Manila
Martes, Nobyembre 5, 2024

Cavitex toll collection sinuspinde mula Hulyo 1-30

- Advertisement -
- Advertisement -

SIMULA Lunes, Hulyo 1, 2024, pansamantalang sinuspinde hanggang Hulyo 30 ang mga aktibidad sa pangongolekta ng toll sa pamamagitan ng Radio Frequency Identification (RFID) at cash transactions, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang opisyal na X account (dating Twitter) na inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang rekomendasyon ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na suspindihin ang mga aktibidad sa pangongolekta ng toll mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 30, 2024.

Ang TRB ay binubuo ng Department of Transportation (DoTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Finance (DoF), National Economic Development Authority (NEDA), at pribadong sektor.

“Inaprubahan na ng Toll Regulatory Board na binubuo ng DoTr, DPWH, DOF, NEDA at pribadong sektor ang rekomendasyon na suspendihin ang pangungulekta ng toll – RFID at cash – sa lahat ng bahagi ng Cavitex simula Hulyo 1 hanggang Hulyo 30 nitong taon,” sabi ni Pangulong Marcos.

“Nagpapasalamat tayo sa TRB sa kanilang agarang aksyon sa rekomendasyon na ito ng PRA. Nagpapasalamat din tayo sa MVP Group sa pagsuporta sa panukalang ito,” dagdag pa niya.

Sa dalawang pahinang resolusyon, nagpasya ang TRB na pansamantalang suspindihin ang pangongolekta ng toll fee matapos banggitin ni Pangulong Marcos ang panukalang 30-araw na toll holiday sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng MCTEP-C5 Link, Segment 2 (R1 Expressway to Sucat Road, Parañaque).

Ang resolusyon ay inaprubahan ng TRB nitong Hunyo 27 at nilagdaan ni Undersecretary Reinier Paul Yebra, Permanent Alternate Chairman, DoTr; Undersecretary Maria Catalina Cabral, Alternate Member, DPWH; Undersecretary Catherin Fong, Alternate Member, DoF; at Assistant Secretary Jonathan Uy, Alternate Member, NEDA.

Pinirmahan din ng abogadong si Rhouan Loseriaga, miyembro ng pribadong sektor, ang resolusyon.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -