28.7 C
Manila
Linggo, Oktubre 6, 2024

VP Sara pinangunahan ang 2024 Office of the Vice President Pride Reception sa Cagayan de Oro City

- Advertisement -
- Advertisement -

NANGUNA si Vice President Sara Duterte sa ginanap na 2024 Office of the Vice President Pride Reception sa Lemketkai Luxe Hotel, Cagayan de Oro City nitong Hunyo 25, 2024.

Aniya, “Masaya akong pinangunahan ang 2024 Office of the Vice President Pride Reception na ginanap sa Cagayan de Oro City kahapon, ika-25 ng Hunyo.

“Kasama natin ang mga kaibigan nating LGBTQIA+ sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas upang ipagdiwang ang diwa ng Pride Month, isang selebrasyon ng pagmamahal, pagkapantay-pantay, at pagkakaiba-iba na nagbubuklod sa ating bansa.

“Pinaalala ko sa kanila na ito ay hindi lamang isang selebrasyon kundi isang adbokasiya at edukasyon. Patuloy nating suportahan ang mga inisyatiba na nagsusulong ng pagkakaunawaan, proteksyon laban sa diskriminasyon, at pantay-pantay na oportunidad sa lahat.

“Naggawad rin tayo ng dagdag na puhunan sa mga piling miyembro ng LGBTQIA+ sa Cagayan De Oro City sa ilalim ng programang Magnegosyo Ta ‘Day ng Office of the Vice President.

“Maraming, maraming salamat sa inyong walang humpay na pagsusumikap upang sama-sama nating makamtan ang pagkakaisa.

“Maraming salamat sa bumubuo ng City Council ng Cagayan de Oro sa suporta at pakikibahagi sa selebrasyon natin.

“Mga kababayan, patuloy po tayong maging MATATAG tungo sa pagtaguyod ng isang Bansang Makabata, at mga Batang Makabansa.

“Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa Pamilyang Pilipino.

“Shukran.”

Teksto at mga larawan mula sa Facebook page ni Inday Sara Duterte

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -