28.6 C
Manila
Linggo, Oktubre 6, 2024

Stolen Identity?

- Advertisement -
- Advertisement -

PUNUNG-PUNO ng mga katanungan si Senator Risa Hontiveros sa kanyang Facebook page kung paano nangyari na may isang Alice Leal Guo na may  “parehong pangalan, parehong birthday, parehong taga-Tarlac, pero ibang-iba ang itsura sa Bamban Mayor.”

Aniya, may NBI clearance ang isang “Alice Leal Guo,” na magkapareho ang birthday kay Mayor Alice Guo: July 12, 1986. Pareho ang spelling ng pangalan. Pero ibang iba ang mukha.

Napakadami ko pong katanungan. Is it a coincidence na may dalawang Alice Leal Guo na pinanganak on July 12, 1986, sa Tarlac?

“Is it a coincidence that this NBI clearance was applied for just a few days before the date of filing of the delayed registration of birth of the other Alice Leal Guo in Tarlac City?

“Or is this a case of stolen identity?

“Has Guo Haping assumed the identity of a Filipino woman and then nearly a decade later, ran for public office?

“Sino po ang babaeng ito na may pangalang Alice Leal Guo pero hindi kamukha ni Mayor? Nasaan na po siya ngayon?

“Ninakaw ba ang identidad nitong isang Alice Guo? Bakit kinailangan nakawin? Which leads us to the next question: how large and what is the nature of Mayor Alice Guo’s network?

“Gaano kataas sa food chain ang mga protektor? It seems hindi basta-basta ang mga kaibigan niya.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -