27.1 C
Manila
Linggo, Enero 5, 2025

𝐀𝐦𝐚𝐤 𝐔𝐡𝐚𝐩 𝐀𝐰𝐥𝐮𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐩𝐮: 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐭𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐡𝐚𝐲-𝐖𝐢𝐤𝐚

- Advertisement -
- Advertisement -

IDINAOS noong Mayo 18, 2024 ang Amak Uhap Awlung Pagtatapu (Araw ng Pagtatapos sa Bahay-Wika) ng ika-6 na batch ng mga bata sa Bahay-Wika at mga Apprentice sa Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP) sa Bangkal, Abucay, Bataan. Mayroong 18 batang Ayta Magbukun na nakapagtapos sa Bahay-Wika ngayong taon at anim na mga magulang (apprentice) na Ayta Magbukun na natuto ng kanilang katutubong wika. Naidaos ang programa katuwang ang Provincial Government ng Bataan sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office at Cultural Heritage and Preservation Division.

Ang Bahay-Wika at MALLP sa Bangkal, Abucay, Bataan para sa wikang Ayta Magbukun ay ang kauna-unahang Language Immersion Program para sa pagpapasigla ng mga nanganganib na wika ng Pilipinas. Sinimulan ito noong 2018 at nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan dahil sa pagsusumikap ng komunidad na mapasigla ang paggamit ng kanilang katutubong wika at dahil na rin sa pagtutulungan ng iba’t ibang institusyon ng pamahalaan gaya ng Komisyon sa Wikang Filipino, Pamahalaang Lalawigan ng Bataan, Pamahalaan Bayan ng Abucay, at DepEd-Bataan.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -