29.6 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Senate President Escudero nanawagan para sa komprehensibong diplomatic strategy bilang tugon sa nakaraang insidente sa Ayungin Shoal

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa tumitinding tensiyon sa West Philippine Sea, partikular sa Ayungin Shoal, kasabay ng panawagan para sa komprehensibong pag-uulat mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang matugunan ang lumalalang tensyon doon.

Ayon sa pinakahuling ulat ng The Manila Times, naganap na pag-atake ng China Coast Guard (CCG) sa mga bangka ng mga Pilipinong mandaragat sa Ayungin (Second Thomas) Shoal at tumangay ng kanilang mga riple at mga kagamitan.

Para kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr., isa itong uri ng pamimirata.

“They boarded our boats illegally. They got our equipment. They acted like pirates,” sabi ni Brawner.

Dagdag pa niya, “We are demanding that the Chinese return our rifles and our equipment, and we are also demanding for them to pay [for] the damage that they have caused. They should pay because we will not allow them to just destroy and take our equipment.”

Sinabi ni Rear Adm. Alfonso Torres sa mga reporter na ang mga baril ay naka-imbak sa mga bangkang tripulante ng mga PIlipinong marino, na nasa ilalim ng utos na huwag ipakita ang kanilan mga armas sa paghaharap noong Lunes sa Ayungin Shoal.

Ayon sa Senate chief, kailangang magkaroon ng proactive approach mula sa DFA higit sa paghahain ng diplomatic approach kasabay ng panawagan na magkaroon ng makabuluhang pakikipag-usap sa Beijing para mapigilan ang paglala ng tensyon sa WPS.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagprotekta sa mga karapatan at pribilehiyo ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo habang sinisiyasat ang lahat ng posibleng diplomatikong paraan.

“In the meantime, the DFA should go beyond the filing of diplomatic protests each time an incident occurs, and must explore every means to conduct a meaningful dialogue with their counterparts from Beijing with the end in view of avoiding further escalation, without giving up any of our rights and privileges in our claimed territory vis-a-vis theirs,” sabi ni Escudero.

Bukod sa mga diplomatikong pagsisikap, nanawagan si Escudero sa Armed Forces of the Philippines na maghanap ng mga makabagong paraan upang matiyak ang tuloy-tuloy na paghatid ng suplay sa mga tropa na nakatalaga sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“As our diplomats work to advance our interests, I urge our Armed Forces to explore alternative methods to deliver provisions to the Sierra Madre in Ayungin Shoal so that our troops are properly resupplied while minimizing the risks and achieving our desired objectives,” ani Escudero.

Ginawa ng Senate President ang pahayag sa gitna ng tumataas na tensyon sa WPS kung saan ang paulit-ulit na insidente ay naghatid ng alalahanin kaugnay ng kaligtasan at soberenya sa inaangking teritoryo ng Pilipinas.

Noong nagdaang Miyerkoles, kinondena ang DFA ang “iligal at agresibong aksyon” ng Chinese Coast Guard malapit sa Ayungin Shoal noong Hunyo 17, na nagresulta sa malubhang pagkasugat ng isang Philippine Navy personnel at pagkasira ng sinasakyan nilang barko.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -