25.1 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Dagdag kita para sa SSS members

- Advertisement -
- Advertisement -

INILUNSAD ng Social Security System (SSS) ang MySSS Pension Booster na isang bagong pamamaraan ng pag-iipon ng pera na maaaring kumita ng 7.2 porsyento bawat taon.

Ayon kay SSS President at CEO Rolando Ledesma Macasaet, sinimulan ng kanilang ahensya ang MySSS Pension Booster program na papalit sa kasalukuyang Worker’s Investment and Savings Program (WISP) at WISP Plus.

Aniya, mas maganda itong pension booster dahil ang WISP ay kumikita lamang ng 5.33 porsyento, samantalang ang WISP Plus naman ay tumutubo ng 6.87 porsyento.

Ang target umano ng MySSS Pension Booster ay ang mga overseas Filipino workers, expats, mga seafarer, mga corporate managers at executives, duktor, abogado, at mga batang propesyonal na hangad ang mas malaking retirement fund, dagdag ni Macasaet.

May dalawang paraan naman ang paglahok sa naturang programa: ang mandatory at voluntary scheme. Sa ilalim ng mandatory scheme, otomatikong i-e-enroll ang mga miyembro ng SSS na nagbibigay sa regular na programa ng SSS, samantalang sa ilalim naman ng voluntary scheme, ang mga interesadong miyembro ng SSS ay mag-e-enroll sa savings plan sa pamamagitan ng kanilang My.SSS account.

Ang boluntaryong pagsali ay maaaring makuha ng P500 sa bawat pagbabayad, samantalang ang pinakamataas na kontribusyon ay ibabase naman sa limitasyong itatakda ng SSS collection partners.

Kapag kailangan na ang pera, ang mga miyembro ay maaaring mag-withdraw ng kanilang kabuuang kontribusyon kasama ang kita sa kanilang puhunan. Puwede ang bahagi lamang o buong pagwi-withdraw ng inipon.

Subalit ayon sa ahensiya, mas mainam kung mananatili sa programa ang miyembro ng hanggang limang taon para makuha ang mas malaking kita sa kanilang ipon. (AVS/PIA-NCR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -