MAS maraming oportunidad ang nakarating sa malalayong munisipalidad ng Sultan Kudarat nang magbigay ng mga programang pangkabuhayan ang opisina nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa mga residente noong June 3 at 4, 2024.
Sa dalawang araw na programa, nagtungo ang tanggapan ng mga senador sa Isulan at Lebak, kung saan 300 indibidwal ang nakatanggap ng tulong para mapahusay ang kanilang kakayahan at makakuha ng permanenteng trabaho.
Noong June 3, binisita ng opisina ng mga senador ang Isulan kung saan 150 katao ang nabigyan ng tulong kabilang na ang mga elektrisyan, nagtitinda, at mga miyembro ng komunidad ng LGBTQ. Makakatulong ito sa mga benepisyaryo na makapagpasimula ng maliit na negosyo para mas mapatatag ang kanilang kita.
Naging matagumpay ang aktibidad sa Isulan dahil sa suporta ng opisina ng alkalde, Officer-in-Charge Atty. Arnold Armada, Acting Vice Mayor Carlo Apiado, Assistant Secretary Florentino Loyola Jr., Councilors Arjen Pallasigue and Ryan Dumaran, Sangguniang Kabataan Federation President Weljun Fuscablo, at ni Ailene Loctogan mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Noong June 4, sa Lebak naman pumunta ang opisina ng mga senador kung saan 150 na mga benepisyaryo, kabilang ang mga solo parent, kababaihan, at magsasaka, ang nabigyan ng suporta.
Maaaring magamit ang suportang ibinigay upang matugunan ang pang-araw-araw na gastusin at pangangailangan.
Naging matagumpay ang aktibidad sa Lebak sa tulong nila Mayor Frederick Celestial, Regional Executive Assistant Evelyn Pinongcos, Noraidah Busran mula sa DSWD, at Konsehal Edwin Besana.
Ang dalawang araw na programa sa Isulan at Lebak ay naganap sa pakikipagtulungan ng magkapatid na Cayetano sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng kanilang Sustainable Livelihood Program (SLP).
Layunin ng SLP na tulungan ang mga indibidwal na makapagpasimula ng maliit na negosyo o magbigay ng kasanayan para makakuha ng trabaho at mapalakas lalo ang kanilang kita.
Tatanggap ng kapital ang mga benepisyaryo bilang panimula sa kanilang sariling negosyo o pondo para sa pagsasanay sa kasanayan upang mapalawak ang mga oportunidad sa trabaho.
Ipinapakita ng mga aktibidad sa Sultan Kudarat ang dedikasyon ng magkapatid na Cayetano na abutin ultimo ang pinakamalalayong munisipalidad sa bansa para makapagbigay ng programang pangkabuhayan na magpapataas ng kita at oportunidad ng mga Pilipino.