SA pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 10th Infantry Division ng Philippine Army, ipinangako nito ang suporta ng pamahalaan para sa kinakailangang resources at mga pagsasanay upang mapahusay pa ang kanilang kasanayan.
Pinagtibay din ni PBBM ang kahalagahan ng pagpapalakas ng kapabilidad ng Armed Forces of the Philippine para sa paglilipat ng operasyon nito mula internal operations patungo sa external defense.