MALAKING tulong sa mga learners ang mga bagong bags na handog ng Office of the Vice President OVP – BARMM Satellite Office sa isang madrasah sa lungsod ng Cotabato.
Ang Madrasa Tuas-Shadeed Al-Islamie ay isang madrasa na pinagtutulungan ng mga may mabubuting-loob na mga Muslim para tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng klase para sa mga kabataang Muslim na pumapasok dito.
Sinuklian naman ng mga learners ng matatamis na ngiti ang mga kawani ng OVP-BARMM habang tinatanggap nila ang kanilang mga bagong bags, school supplies at dental kits.
Ang “PagbaBAGo: A Million Learners and Trees Campaign” ay naglalayong makapagbigay ng tulong sa mga kabataan para sa kanilang pag-aaral.