30.9 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

₱250K tulong pangkabuhayan ipinagkaloob sa 5 samahan ng kababaihan

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGKALOOB kamakailan ang Pamahalaang Panlalawigan ng kabuuang ₱250,000 sa limang samahan ng mga kababaihan na natukoy na benepisyaryo ng Livelihood Program.

Ayon kay Rowena Tiuzen ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), bawat isang samahan ay tumanggap ng ₱50,000 na gagamiting puhunan sa mga napili nilang itatayong negosyo, kabilang ang sari-sari store, bigasang bayan at iba pa.

Ang mga napiling grupo ng mga kababaihan ay Samahang Kababaihan ng Purok 2 ng Alibog, Samahang Kababaihan ng Purok 3 ng Alibog, mula sa bayan ng Magsaysay; Samahang Solo Parent ng Barangay Batasan, Gomez Village Women’s Association, at Samahang Solo Parents ng Barangay Mapaya mula naman sa bayan ng San Jose.

Ipinaliwanag ni Tiuzen na maaaring mag-apply sa programa ng probinsya ang isang samahan o indibidwal. Kailangan lamang magsumite ng kahilingan sa PSWDO kalakip ang opisyal na pagkakakilanlan katulad ng akreditasyon mula sa Department of Labor and Employment (DoLE) o sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Dagdag ni Tiuzen na sasailalim sa kaukulang pagsusuri ang mga ito bago tuluyang mapabilang sa programa. Tiniyak din niya na sinisikap ng pamahalaang panlalawigan na mapabilis ang proseso ng pagkakaloob ng tulong sa mga benepisyaryo, bagama’t katulad ng ibang programa, nakasalalay ito sa availability ng pondo.

Ayon pa kay Tiuzen, ang mga benepisyaryo na maitatalang nagtagumpay sa napiling negosyo ay maaaring muling pagkalooban ng financial assistance.

“Ito ang parati nating naririnig mula sa kay Governor Ed Gadiano na magpapatuloy ang tulong ng pamahalaan sa mga deserving beneficiary ng programa,” saad ni Tiuzen.

Dagdag pa niya, tutulong din ang pamahalaang panlalawigan na ikonekta ang mga benepisyaryo sa ibang ahensya ng pamahalaan na maaaring makatulong sa mga ito. (VND/PIA MIMAROPA–Occidental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -