24.6 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 25, 2024

Unang Kapihan sa Bagong Pilipinas, DPWH inilahad ang mga proyekto sa rehiyon

- Advertisement -
- Advertisement -

SA unang paglulunsad ng programang Kapihan sa Bagong Pilipinas, sumalang ang pamunuan ng tanggapan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Mimaropa upang ihayag ang mga programa at natapos na proyekto sa buong rehiyon.

Ang Kapihan sa Bagong Pilipinas ay ginanap sa Mindoro Oriental District Engineering Office (Modeo) ng DPWH sa lungsod na ito noong Mayo 28.

Sinabi ni DPWH Regional Director, Engr. Gerald Pacanan, may inilaang P3.6 na bilyon na pondo ang gobyerno para lamang sa lalawigan, kasama na rin dito ang para sa mga distrito, na kung saan mayroong 146 na proyekto ang kasalukuyang ipinapatupad ang kanilang tanggapan at lima dito ay tapos na habang 88 ay patuloy pa rin ang konstruksiyon.

Dagdag pa ni Pacanan, pansamantalang naantala ang konstruksiyon ng Victoria-Sablayan road project, na siyang mag-uugnay sa gitnang bahagi ng dalawang lalawigan ng Occidental at Oriental Mindoro. Ito ay may humigi’t-kumulang 65 kilometro na haba at  pinondohan ng P8 bilyon.

Ang pansamantalang pagkaantala ng konstruksyon ay dahil sa wala pang iniisyu na Environmental Compliance Certificate (ECC) ang Department of Environment and Natural Resources (DENR). Maari lamang nilang ipagpatuloy ang proyekto sakaling matugunan na nila ang mga kaukulang papeles tulad ng feasibility study na siyang kailangan ng DENR-EMB.

Samantala, sa bahagi naman ng Puerto Galera-Abra De Ilog road project, inaasahan na matatapos na ito ngayong taon. Inaasahan nga sa pagtapos ng proyektong ito, mas mapabilis ang takbo ng kalakal sa pagitan ng dalawang bayan at lalawigan.

Sa kasalukuyan ay maari lamang itong madaanan ng mga maliliit na sasakyan dahil ilang bahagi dito ay hindi pa kongkreto.

Mga pagtatanong ng kasapi ng media kay DPWH Regional Director Gerald Pacanan sa idinaos na Kapihan sa Bagong Pilipinas sa Lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro

“Gagawin po namin ang aming makakaya upang maibigay ang aming taos-pusong serbisyo at hindi magiging rason ang kakulangan sa pondo upang makapag bigay ng serbisyo sa publiko,” pagtatapos na mensahe ni Pacanan.

Ang Kapihan sa Bagong Pilipinas ay inorganisa ng Presidential Communications Office (PCO) sa pamamagitan ng Philippine Information Agency (PIA). Sinimulan noong Mayo 28 at magpapatuloy tuwing ika-9 ng umaga sa araw ng Martes. Sabay-sabay itong ginaganap sa lahat ng rehiyon sa buong Pilipinas . (DN/PIA Mimaropa-Oriental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -