30.4 C
Manila
Biyernes, Oktubre 18, 2024

P2.85M farm inputs ipinagkaloob ng NIA sa Occidental Mindoro Irrigators Association

- Advertisement -
- Advertisement -

AABOT sa P2.8 milyon na halaga ng farm inputs ang ipinagkaloob ng National Irrigation Administration (NIA) sa Cadanguehan Irrigators Association (CIA).

Ito ay sa pamamagitan ng contract farming scheme sa ilalim ng Farming Support Program ng ahensya.

Ayon kay Edwin Arevalo ng NIA Occidental Mindoro, kabilang sa agricultural inputs na matatanggap ng samahan ang binhi ng palay, pataba, pestisidyo, herbicides, at iba pa.

Ayon sa kanya, batay sa nakasaad sa nilagdaang kasunduan ng samahan at ng NIA, bawat ektarya ng lupa ng CIA na naka-enroll sa programa ay mabibigyan ng farm inputs na nagkakahalaga ng P50,000. Bukod sa halagang nabanggit, may karagdagang insentibong makukuha ang samahan.

“Ang aanihin ng ating mga partner irrigators association ay isusulit sa NIA. Bawat tonelada ng kanilang ani ay may katumbas na halaga,” saad ni Arevalo, at sakaling umabot sa limang tonelada ang aanihin ng CIA, makatatanggap ito ng karagdagang P50,000.

Dagdag pa ni Arevalo na naniniwala ang NIA na makatutulong ang Farming Support Program upang magkaroon ang bansa ng sapat na ani ng palay na pupuno sa pangangailangan ng mga Pilipino.

“Sakaling magtagumpay ang programa, plano naming magbenta ng bigas sa presyong P29 bawat kilo,” ayon pa kay Arevalo. (VND/PIA MIMAROPA – Occidental Mindoro)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -