26.9 C
Manila
Sabado, Nobyembre 23, 2024

Pahayag ni Senador Sony Angara sa pagpasa ng Senado sa bagong Govt Procurement Act

- Advertisement -
- Advertisement -

NARITO ang pahayag ni Senador Sony Angara sa kapapasang bagong Government Procurement Act.

“Naniniwala tayo na malaki ang maitutulong ng New Government Procurement Act sa pagpapabilis ng ating public procurement processes, habang pinaiigting ang transparency at accountability nito. Pakay nito na gawing mas epektibo at katiwa-tiwala ang ating gobyerno.

Nais natin magpasalamat sa lahat na nag-ambag para siguraduhin na totoong makakabuti sa ating bansa ang ating pag-reporma sa procurement  rules ng gobyerno:

– Sa bagong liderato ng Senado. Kay Senate President Chiz Escudero. Salamat at pinayagan n’yo pa ring tumuloy ang pagtakbo ng panukalang batas—lalo na’t kabilang ito sa mga prayoridad ng administrasyon ni Presidente Bongbong Marcos.

– Pasasalamat din at pagbati, sa dating lideratura, sina Senador Migz Zubiri, Loren Legarda, at Joel Villanueva. Binigay n’yo sa akin ang responsibilidad para idinig at itulak ang mahalagang reporma na ito. Salamat sa inyong tiwala.

– Pasasalamat din sa iba pang mga co-author, tulad nina Senador Pia Cayetano, Deputy Minority Floor Leader Risa Hontiveros,; Sherwin Gatchalian; Mark Villar; Cynthia Villar; Nancy Binay; Lito Lapid; at Raffy. Tulfo.

– Sa liderato ng Kamara sa pamumuno ni Speaker Martin Romualdez

– Sa Judiciary

– Sa sangay ng Executive – ang DBM at economic managers, NEDA, DOF, at BSP

– Economic managers, stakeholders mula sa sektor ng edukasyon, S&T and innovation community, LGUs, at Senate Secretariat”

Ayon kay Angara, ginawa ng grupo nila ang batas sa loob ng walong buwan kasabay ng iba pa nilang mga responsibilidad kasama na ang mga talakayan tungkol sa 2024 General Appropriations Act (GAA), mga committee hearings ng Ways and Means Sub-Committee on the rationalization of the Mining  Fiscal Regime; at ang iminumungkahing amendments sa ilang  economic provisions ng ating Constitution (RBH 6). Halaw sa  Facebook page ni Senador Sonny Angara.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -