Huling Bahagi
SA huling araw ng Second Regular Session ng 19th Congress, ipinagpatuloy ng Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality ang hearing tungkol sa diumano’y pagkakasangkot ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Ayon sa chairman ng komite na si Senator Risa Hontiveros, maraming “red flags” sa mga sagot ng mayor.
Inilabas kahapon ang unang bahagi ng transcript (https://www.pinoyperyodiko.com/2024/05/23/dagdag-kaalaman/hontiveros-maraming-red-flags-sa-katauhan-ni-tarlac-mayor-guo/7227/)
Narito ngayon ang ikalawang bahagi ng transcript na iniulat ng website ng Senate of the Philippines.
Hontiveros: Pero alam po ba ninyo na taga Fujian sila?
Guo: Hindi ko po alam taga Fujian sila. Ang alam ko po si Huang Zhi Yang, hindi po taga Fujian eh. Taga, ah, somewhere malapit po sa Xiamen pero hindi po Fujian. Si Huang Zhi Yang.
Hontiveros: Ah, Mayor. Kahit hindi pa kayong Mayor nun. Pero again, sobrang malaking pagkukulang sa, ah, due diligence. Hindi niyo alam taga saan yung mga co-incorporators ninyo? Sapat na sa inyo na alam nyo na si Huang Zhi Yang ay taga Xiamen. Hindi niyo alam na kung taga saan yung ibang mga co-incorporators ninyo?
Guo: Yung dalawang co-incorporator po, Your Honor, ang nagdala po sa kanila si Huang Zhi Yang.
Hontiveros: Well, okay. Sabi niyo si Huang Zhi Yang lang ang kausap niyo. Pero si Huang Zhi Yang, di ba fugitive din siya? Matanong lang sa PAOC. Usec Cruz, will it be you to answer? Ang tanong ko po kay Mayor ay, di ba, yung nag-iisang co-incorporator nila sa Baofu na kilala nila ang pagkatao, Huang Zhi Yang, di ba fugitive din siya?
Usec Cruz: Ah, yes, ma’am. Actually, ma’am, subject po ito ng manhunt natin. And this is the person who has three passports na pinakita po namin nung nakaraan.
Hontiveros: Okay, so ano rin? So, sorry Mayor, no? Bukod sa ibang co-incorporators niyo sa Baofu na hindi kayo nag-due diligence, alamin ang background nila. Kumbaga, hindi most innocent si Huang Zhi Yang kasi sila ay subject pala ng manhunt at passport holder ng tatlong bansa. Sino namang honest broker ay may hindi lamang isa o dalawang passport pero tatlo pa?
Guo: Ah, Your Honor. Nalaman ko po na meron po siyang tatlo o apat na passport po doon sa last Senate hearing. Nakikita ko naman po siya, labas-pasok naman po siya ng Pilipinas. In fact po, pag pumupunta po ng ibang bansa, may pasalubong pa nga siya sa akin minsan. Kaya wala po akong idea po na siya po ay isang fugitive.
Hontiveros: So, again, Mayor, no, lumalabas wala kayong alam sa kahit sino sa co-incorporators niyo sa Baofu. Ewan ko lang sinong negosyante ay papasok sa pagpakalaking kaperahang negosyo na walang alam sa background ng ipagkakatiwala ng mga lupa, pangalan kahit bilang private person noon at umabot nga sa ngayon na mayor na kayo.
At sabi nyo rin, Mayor, wala kayong business interests sa Zun Yuan. Do you stand by that statement?
Guo: Yes po, Your Honor. Your Honor, clarify ko lang po. Noong magkasama po kami sa Baofu po, hindi ko po talaga alam siya po ay isang fugitive.
Nakilala ko po siya sa Clark, pero hindi ko po alam siya po ay isang fugitive. Labas-pasok naman po siya ng bansa. Nakaka-kwentuhan, nakakausap naman po.
In fact po, yung naging record po niya pagbili po sa akin ng baboy, maayos naman din po. Kaya nagulat na lang din po ako doon sa last Senate hearing po na siya po ay isang fugitive po.
Hontiveros: Well, di ba sinasabi yung, although tungkol sa batas ito na ignorance of the law excuses no one. Kaya ako balik nang balik sa due diligence kasi kung tayo na nagtatrabaho sa gobyerno, dapat nag-exercise ng due diligence. Eh kayo rin naman dati sa private sector, dapat may due diligence. Lalo na ganyang kalaking pera ang pinag-uusapan at yung equity nyo pa na mga lupa na nagkoconstitute ng halos 8 hectares. Matanong ko po Mayor, sino naman po si Nancy Gamo?
Guo: Nancy Gamo po? Ano po yung ano po niya?
Hontiveros: Hindi, tinatanong ko po sa inyo. Sino po si Nancy Gamo?
Guo: Hindi ko po siya kilala, Your Honor.
Hontiveros: Well, one Nancy Gamo has been identified as representative of Zun Yuan. Ang problema niyan, Mayor, itong si Nancy Gamo has been involved literally in your businesses. Isa-isahin ko po ha. 3 Lin Q Farm Incorporated.
Guo: Yung nag-apply
Hontiveros: QJJ Slaughterhouse. QC Genetics. O, pati itong Siopao Bulilit. QJJ Smelting Plant. By the way, 2012 pa. So mula siopao hanggang smelting. And you know what’s most troubling about this, Mayor?
It’s not only that, I’m sorry, you lied. Hindi lang nag-sinungaling kayo. Pero, kayo yung approving authority para sa Zun Yuan dahil Mayor na kayo noon na itong lahat, tulad ng Zun Yuan representative si Nancy Gamo, at siya naman ay involved sa bawat isa sa mga businesses niyo dito.
So itong dapat maimbestigahan for conflict of interest. At posible, paglabag sa Graft and Corrupt Practices Act. At ikabit naman natin itong mga ito sa Hongsheng. Kasi mukha namang magkakabit-kabit lahat eh. So to repeat your testimony, hindi po kayo involved sa Hongsheng. Sabi niyo noon. Kahit na kayo ang nag-apply ng LONO or Letter of No Objection. At nakalagay mismo sa sangguniang resolution na kayo ang aplikante. Tama po ba?
Guo: Doon sa LONO po, hindi po ako yung aplikante. Ako lang po yung nag-breach po sa kanila. Ako po nag-introduce po doon sa former mayor po. Yung Shi Chun San po na sinasabi ko po.
At your honor, pasensya na po. Naalala ko na po yung nasabi niyo po na Nancy Gamo. Yung Nancy Gamo po, siya po yung nag-prepare po ng documents ko po dati.
Pero hindi ko na po alam na paano po sila nag-connect po ni Zun Yuan.
Hontiveros: Okay. Pero mabuti naman. At may naalala na kayo itong si Nancy Gamo. Dahil ipinakita namin lahat ng mga dokumento ng marami-rami niyong mga negosyo na nandyan talaga si Nancy Gamo.
At siya po ay nag-representative ng Zun Yuan. And sorry din po mayor pero hindi po pwedeng sabihin na hindi kayo yung aplikante para sa Hongsheng bago kayo naging mayor. Dahil nandyan sa mga dokumentong ipinakita na namin.
Kahit nung naunang hearing, nakalagay pa nga doon sa dokumento ng munisipyo, yung resolution, representative Alice Guo of Hongsheng. Tama din po ba na yung relationship ng Hongsheng at Baofu ay bilang lessor at lessee lang?
Guo: Your Honor, doon sa Hongsheng po, hindi po ako naging representative. Wala po akong sinubmit po na any documents po. Pinakilala ko lang po sila doon sa former po na mayor. At isang beses po, nakapag-translate lang po ako sa kanila. Regarding naman po doon sa Hongsheng and Baofu, yes po, ang naging relationship po nila is lessee and lessor.
Hontiveros: Okay, ang bago sa pinagtatakhan ko diyan, well sinasabi niyo hindi kayo yung representative ng Hongsheng. Pero ang pagkakilala ng dating municipal council sa inyo at nilagay nila sa resolution nilang dokumento ay kayo ang representative ng Hongsheng.
Now, ang pinagtatakhan ko po mayor, itong sa usapin ng relasyon ng Hongsheng at Baofu.
Bakit ang email address na [email protected] na nakalagay na email address sa certificate of incorporation ng Hongsheng, ayan, ay siya ring email address sa general information sheet ng Zun Yuan Technology bilang alternative email, at email address ni Nancy Gamo sa Siopao Bulilits Food at 3 Lin Q Farm.
So mayor, you know what this looks like to me? Mukhang lumalabas kayo yung common denominator ng mga operations na ito. At mukhang posibleng niluklok kayo na mayor para padulasin ang operations na ito.
Guo: Your Honor, siguro po better po invite din po natin sila, Nancy Gamo para malaman din po natin kung paano po naging email address po niya yung sa Zun Yuan.
Your Honor, wala pong kinalaman sa Zun Yuan. At tumakbo po ako ng mayor sa aking sariling capacity po sa tulong po ng kaibigan, pero wala pong any involvement po ng POGO sa aking pagtakbo po ng mayor po sa bayan ko po.
Hontiveros: Approving authority kayo sa Zun Yuan, no? Dahil mayor kayo noon.
Guo: Your Honor, pasensya na po. Nag-apply po si Zun Yuan po ng LONO po sa konsehal ko po, sa konsehal po ng Bamban. Ngayon po, nakapagbigay po din sila sa amin ng provisional license. That’s the only time po na nagbigay po ako ng business permit po sa kanila, stated po second, third, and fourth floor po.
Hontiveros: O yun, second, third, and fourth floor. Nakapagbigay kayo ng mayor’s permit para doon sa tatlong floor. na yun na POGO.
Guo: Oo po, Your Honor. At dahil yun lang din po yung nakalagay din po doon sa provisional license po na nasubmit po nila sa akin.
Hontiveros: Ah, para sa kaalaman ng lahat, the committee invited Nancy Gamo, pero no reply. At kung ganun pa rin hanggang matapos yung hearing ay isasubpoena na lang ng komite. Meron akong follow-up question sana sa isang sinabi niyo ngayon lamang, mayor, na limutan ko lang. Kung maalala ko mamaya ay itatanong ko po. Ah, si Nancy Gamo po ba ay empleyado niyo?
Guo: Your Honor, hindi po.
Hontiveros: So, ano pong relasyon niyo kay Nancy Gamo?
Guo: Ah, Nancy Gamo po, sa kanya po, sa kanya po ako nagpapatulong po mag-process po ng dokumento po dati. Doon sa mga nakastate po ng mga companies po. Sila po yung kilala po sa pamilya po namin.
Hontiveros: At siya yung kinikilalang representante ng Zun Yuan dito sa ilang mga dokumento.
Guo: Ah, Your Honor, tutulong din po ako na hanapin po siya at itatanong ko rin po sa kanya kung paano po nangyari para mag-clear din po yung pangalan ko po sa Zun Yuan.
Hontiveros: Okay, salamat para dyan, mayor.
Mayor, nung nakaraang hearing, ito importante sa amin, ito importante sa akin. Pinangako niyo na dadalhin niyo yung inyong latest SALN. Pahingi po ng kopya nun?
Guo: Ah, nasubmit na po, Your Honor.
Hontiveros: ComSec, pwedeng pahingi po ng kopya. Salamat, ah, ComSec. Okay, meron din po akong kopya nung inyong December 2022 SALN. Ah, sorry. Ito ay as of July 2022. Yung latest po ninyo para sa year 2023?
Guo: Ah, Your Honor, andyan na rin daw po.
Hontiveros: Ang hawak ko ngayon ay dalawang kopya nung SALN as of July 1, 2022. Yung pong SALN 2023, Mayor, na pinangako niyo na dadalhin niyo. Pahingi na po ng kopya.
Guo: Your Honor, andyan po yung copy po.
Hontiveros: Nasaan?
Guo: Ah, part po ng compliance po. Naka-attached daw po.
Hontiveros: So meron na tayong SAL-N as of December 31, 2023. Okay, salamat, Mayor. And I also have a copy of your December, sorry, not your December 2022. But your July 2022 SALN. And…
Hontiveros: Maraming tanong ko sa actually tatlong SALN nyo, Mayor. Gusto ko lang magtanong ng ilang mga tanong kay Chair Garcia ng Comelec dahil kailangan nilang umalis ng mas maaga dahil meron po silang en banc. Muli, Chair Garcia, salamat sa pagdalo nyo.
I just have a few questions for the Comelec regarding yung subject nung mga tanong. Ang investigation ng komite sa ngayon. So, thank you also for submitting the requested documents to the committee.
Didiretso na po ako agad sa tanong. Ang sabi nyo po ay trabaho lang ng Comelec ay tanggapin ang mga dokumento ng mga kandidato at siyasatin kung ito ay kumpleto. So, tama po ba sabihin na Comelec doesn’t look beyond the four corners of the documents?
Comelec Chairman George Garcia: Madam Chair, good morning, and the members of the committee. Tama po, Madam Chair, ang sabi po ng Korte Suprema sa Serafica vs. the Commission of Elections. Nireiterate yung decision nila sa Cipriano vs. the Comelec. Ang duty po kasi ng komisyon ay ministerial na kung saan tatanggapin namin ang certificates of candidacy basta kumpleto yung lahat ng items doon sa form ng COC at ito po ay under oath. Ibig sabihin po, wala po kaming power to request additional documents because hindi po kami pwede mag-reject o mag-reject ng filing of the certificates of candidacy.
Kahit pa nga yung mismong taong nagpa-file maaari sa harap pa lang ay pwede niyong makwestyon wala po kaming diskresyon.
Hindi po namin alam, Madam Chair, yung background ng bawat isang kandidato na nagpa-file ng kanilang certificates of candidacy.
Hontiveros: Well, naintindihan ko naman po yan, Chair, based on the presumption of regularity. In the performance of duties dahil ang birth certificate, passport, issued naman ng government agencies.
Pero paano po sa ganitong klaseng mga kaso na ang daming butas ng birth certificate? What do we do in the face of mounting evidence, not just in the case of mayor, but that Filipino citizenship can be for sale? Tingin niyo po ba nag-wawarant ito ng ilang mga pagbabago sa election law natin? At kung oo, ano-ano kaya ang mga ito?
Garcia: Tama po, Madam Chair. Maraming salamat po. Sana po wag kami bigyan ng discretionary authority kasi madami po mag-aaway ng mga kandidato at mga local Comelec namin pag magpa-file ng certificates of candidacy.
Pero pwede naman po na baguhin natin yung section 74 ng omnibus election code kung saan na andun po kasi yung lahat ng items na dapat na nakalagay sa form ng certificate of candidacy.
At sana po maglagay din yung batas kung magkakaroon ng pagbabago ng mga karagdagang dokumento na pwedeng i-attach sa ating po certificate of candidacy. Halimbawa po, ang birth certificate, pwede na pong pagsimulan yan ng lahat ng mga impormasyon katulad sa age, katulad sa residency, at katulad po sa citizenship.
Pero dapat din po natin maunawaan, yung po ang kadahilanan kung bakit yung kapangyarihan ng Comelec to motu-propio disqualify candidates ay limitado lang po sa nuisance candidacies.
Pero kapag po ang pinag-uusapan, Madam Chair, ay ang qualification or eligibility based on age, citizenship, residency, registration as a voter, literacy, able to read and write, at yung iba pa nga po, three consecutive term limitations, sabi ng Castillo vs. the Comelec.
Ito po ay hindi pwedeng motu-propio ng Comelec. Kinakailangan merong formal na petisyon na ipa-file. Sapagkat yung issue po, Madam Chair, ng citizenship, medyo komplikado po yun. Hindi pupwedeng sa birth certificate lang.
It may appear sa birth certificate na ikaw ay Filipino. Your father and mother are both Filipinos. Pero yung pala, yung lolo mo ay foreigners and therefore, natatransfer yung mismong citizenship.
Dito po kasi sa ating bansa, kapag pinag-uusapan ng citizenship, ay ang ating po ina-apply na principle, yung principle of jus sanguini, blood relationship. In the case of Grace Poe vs the Commission election, before the Honorable Chairperson had authored the law on the foundling, doon po ay nagkaroon ng presumption ng Korte Suprema. Sapagkat kinakailang ma-trace muna yung mga magulang ano ba talaga ang citizenship para po yun ang nalilipat.
In other jurisdictions, Madam Chair, katulad ng United States, hindi po sila kumikilala ng jus sanguini principle. Jus solis po sila. Ibig sabihin, place of birth. Kaya merong mga ilang Pilipino doon nanganganak sa abroad para po yung citizenship. Yun po ang dahilan kung bakit complicated yung issue ng citizenship and it will require a formal hearing.
Now, ngayon po na-expose itong mga ganitong klaseng bagay, sana po sa ating mga kababayan, ganung hindi pa man nababago yung batas, dapat po we have to be very vigilant. We have to file petition to disqualify and or cancel candidacy.
For your information, Madam Chair and members of the Committee, pag po kasi age, citizenship, residency, registration as a voter, and literacy, hindi po siya disqualification petition. Siya po ay proper ground for a petition to deny due course and or cancel candidacy under Section 78 in relation to Section 74 of the Omnibus Election Code.
Meaning, pag kinancel po namin ang inyong candidacy, you cannot be substituted. Because as if you did not become a candidate. Kaya po sana po aware tayo dahil may period po yung filing ng mga ganitong klaseng petisyon. Ito po ay pwede lang i-file within 25 days after the date of the filing of the candidacy. Failure to file within that period, wala na po jurisdiction ang Commission of Elections.
Hontiveros: Maraming salamat, Chair. Very well noted din yung dahil in aid of legislation, yung imbestigasyon, pati yung mga payo nyo na pwede namin pag-aralan, mga pag-amenda, partikular sa Sections 74 at 78 ng Omnibus Election Code.
At kung mapatunayan na, peke yung birth certificate ni Mayor and she is, kung mapatunayan na she is not in fact a Filipino citizen, ano po yung magiging pananagutan niya?
Garcia: Kung sakali po Madam Chair na magpa-file muli ng certificate of candidacy at a formal petition will be filed, remember po katulad na nabanggit ko, ito po hindi ground for disqualification, ground po ito ng cancellation of candidacy.
Ang basis po ng cancellation ng candidacy ay misrepresentation. And misrepresentation is an election of candidates. It is a defense punishable by 3 to 6 years imprisonment.
And at the same time, since ang certificate of candidacy po ay under oath, it can still be, the person can likewise be liable for perjury, Madam Chair. And kung masakali maconvict, perpetual disqualification to hold public office.
Hontiveros: And huling tanong mula sa akin at this point, Chair. Kung siya po ay matanggal sa pwesto, just for the sake of our listening and viewing public, sino po yung aakyat? Yung natalo po ba na kandidato or yung kanyang Vice Mayor?
Garcia: Kung sakali po Madam Chair na nakapag-file ang isang registered voter bago mag-eleksyon during the period na binabanggit ko ng cancellation of candidacy, kahit po yung kandidato ay nanalo, the Comelec retains jurisdiction.
And if later on, kahit siya ay public official na elective at that, at we found out na talagang nag-sinungaling o nagkaroon ng misrepresentation, canceled ang candidacy, naging final ang cancellation ng candidacy, ang uupo po ay ang second-placer. Because according to the Supreme Court, as if hindi siya naging kandidato, yan po yung kaso doon sa Lucy Torres case.
Ngayon po, Madam Chair, kung hindi po o walang nai-file, katulad po sa kasalukuyang pangyayari, walang na-file na kaso sa Comelec na cancellation of candidacy, subalit kung later on magkaroon ng isang kaso, halimbawa petition for quo warranto, na pwedeng ma-file ng opisina ng Solicitor General, then in that case, at magkaroon po, matanggal, the rule on succession shall be applicable. Vice Mayor po yung uuupo kung sakali po.
Hontiveros: Maraming salamat, Chair. So, depende sa gagamiting proseso yung magiging outcome para sa bayan ng Bamban kung sakali.
Those are all the Chair’s questions for the good Comelec Chair unless may tanong yung mga colleagues ko, then we will excuse them.
Garcia: Thank you, Madam.
Hontiveros: Wala yung mga tanong ko tungkol sa tatlong SALN ninyo. Nabanggit nyo kanina, Mayor, na 17 years old kayo unang pinapirma ng tatay nyo ng tseke. Menor de edad pa po, bakit po kayo pinapapirma ng tseke noon?
Guo: Your Honor, gusto po ako turuan po ng tatay ko mag-manage po ng negosyo.
Hontiveros: Okay. Just noting na ang menor de edad hindi po pinapayagang pumirma ng tsekee. Kung kaya nga that’s behind reforms like yung sa SK Reform and Empowerment Law. Anyway. Yes, Mayor? Meron pa kayong gustong isagot dyan?
Guo: Your Honor, I might be wrong doon sa 17, pero baka mga 18 or 19 years old. Pero nangyari po yun sa akin sa pagkakatanda ko po is 17 po. So kung may ano, baka mali lang po sa edad po, Your Honor.
Hontiveros: Okay. Noted, Mayor. Ngayon. Yung mga tanong ko po sa inyong mga isinumiting SALN. So meron po kaming kopya dito na SALN as of June 30. Ito po ay SALN na version na… . Yung June 30, 2022… Sorry, 2022 SALN nyo pinadala ng inyong Counsel. Meron din po akong July 1, 2022. Isang araw lang ang pagitan. Padala naman ninyo, Mayor. And then, of course, meron akong kopya dito. Meron kaming kopya nung SALN as of 2023. June 30, 2023 bilang bahagi ng inyong compliance. So, kapansin-pansin po yung SALN ng June 30, 2022.
Hontiveros: Ay may nakalistang… 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7… 8, 9, 10… na mga real properties covered by mga TCT. O, bawat isa nito covered by TCT. 3, 6, 7, 8, 9, 10. Kung hindi ako nagkakamali. Pero yung SALN nyo na July 1, 2022, isang araw lang ang pagitan. Tatlo na lang ang nililista nyong real properties.
All covered by TCT. So, ano pong nangyari sa pagitan ng June 30, 2022 at July 1, 2022?
Kasi June 30, meron kayong dinisclosed na sampung real properties bilang assets. Pero biglang kinabukasan, tatlo na lang. Ano na nangyari dun sa pito?
Guo: Your Honor. First time po, hindi po ako marunong. Kaya nag-file na lang po kami ng amendment po dun sa SALN po.
Hontiveros: Anong hindi nyo alam dun sa pitong real properties na dinisclosed nyo nung
Guo: Your Honor, one moment po ha.
Hontiveros: Dapat nga kung nagkamali sa unang SALN the day before, baka dahil kulang ang dinisclosed. At ididisclose yung buo, yung lahat, the day after. Baliktad ang nangyari, nabawasan.
Guo: Your Honor, dun sa SALN po, na-inamend po ng accountant po, ito double check ko po ulit. Pero, I believe baka nagkamali lang po sila sa date.
Hontiveros: So, inamend ng accountant. Pero, siyempre, iti-check ito nung mga legal officers nyo. At pipirmahan nyo. Pinirmahan nyo pareho ang SALN. Lahat po kami nagsasubmit ng SALN.
Ayan, may pirma kayo nung June 30, SALN. May pirma din kayo, yes, nung July 1 na SALN. And, in fact, parang daming time warp na nangyayari dito eh.
Yung date, yung SALN dated July 1 ay actually unang sinubmit sa amin. No? Na parang maraming mali at kulang. Yung later na nasubmit sa amin ay yung June 30 na SALN na mas maraming impormasyon.
Guo: Opo, Your Honor. Ito double check ko po ito.
Hontiveros: So, during this hearing, Mayor, hihintayin po ng komite yung sagot ninyo galing sa inyong Sino yung sinabi nyo nag-draw up nito? Yung accountant ninyo ba?
Guo: Opo, at yung counsel po.
Hontiveros:
Opo, at saka yung counsel. Pero, alam naman po ninyo, ang SALN ay public document. Taon-taon iniexpect sa ating mga nagtatrabaho sa gobyerno. At dapat makatotohanan. Opo. At walang inililihim.
Guo: Opo
Hontiveros: Kailan po ho ginawa yung amendment sa unang SALN? Kailan inamend yung June 30 SALN para maging July 1, 2022 SALN? I’m sorry. Or rather, okay, kasi nakakalito talaga yung mga time warp. . Sorry, nakakalito yung mga time warp sa dokumento ninyo. Kailan inamend yung July 1, 2022 SALN para maging June 30, 2022 SALN? Kailan po nangyari yun?
Guo: Your Honor, based po dito sa notary po is July 30, 2022 po.
Hontiveros: July 30, 2022 ang?
Guo: Ang amendment po.
Hontiveros: Ang amendment. Tapos inante-date pa. Kasi yung unang sinabit ay dated July 1 na mas konting information.
Guo: Opo, Madam Chair. Yung July 30 po, yan po yung na-amend na po.
Hontiveros: Wala kaming hawak na SALN July 30. Ang sinasabi nyo ba ay inamend nung July 30?
Guo: Opo, inamend po ng July 30 po, Madam Chair.
Hontiveros: Pero inante-date na as of July 1. Tapos sa sampung unang dinisclose na real properties under assets, naging tatlo na lang. Bakit ganon? Or subject yun ang isasagot nyo mula sa inyong accountant at saka inyong counsel?
Guo: Opo, Madam Chair
Hontiveros: Kailangan sagutin kasi weird talaga eh. As in very, very weird. At saka po, Mayor, pakisagot yung July 1 SALN, ayun, business interests and financial connections not applicable. Walang disclosures. At saka po, mayroon naman yung disclosures. Samantalang yung June 30 SALN, naka-disclose.
At least yung QJJ Embroidery Center at yung Cornhork Summer Real Estate Group. Pero yung amended SALN nyo, nasabi nyo inamend July 30, submitted dated July 1, wala na po yung QJJ Embroidery. Wala na rin yung Cornhork Summer. So, pakipaliwanag din bakit ganon.
Guo: Opo, Madam Chair. Madam Chairman, pado-double check ko na po ngayon sa counsel po at sa accountant po. At within the day po, magbibigay po ako ng sagot po dun sa question nyo po.
Hontiveros: Yes. Dagdagan ko lang po yung kailangan sagutin. But within the day dahil inihambing din namin yung SALN ninyo, ah, dated naman 2023. Specifically, June 30, 2023. Sorry. Dated December 31, 2023.
So, ang mga tanong naman po dito ay yung pagkumpara nung 2022 SALN nyo. At saka 2023 SALN. Nakakalito kasi, iba-ibang dokumento eh. Iba-ibang petsa pa.
So, yung tanong pa sa 2022 SALN nyo, ah, dahil sa amended, yung QJJ Embroidery na lang at yung Cornhork Real Estate Group na lang ang dinisclose. So, ang tanong ay nasaan na napunta? Yung smelting, yung Q Seeds, yung slaughterhouse. Kayo ba ay nag-divest? Hindi kayo nag-divest?
Guo: Ah, Your Honor, yung smelting plant po, supposedly, ah, ano po siya eh, ah, smelting po ng mga plastics po. However po, pagkakatanda ko, hindi po natuloy po yung negosyo po na yun.
Hontiveros: Pero, dineclare nyo, dinisclose nyo sa July 1, yung unang SALN nyo ng 2022. Nakalista yung smelting doon?
Guo: Opo, pero, do-double check ko po, Madam Chairman, pero wala pong ganun po natuloy po na negosyo.
Hontiveros: Okay, pero, nandito yan, ha?
Guo: Opo, ito, do-double check ko po ngayon po.
Hontiveros: And, ah, so, ihambing natin yung 2022 SALNs ninyo at yung 2023. Dahil mula 2022 hanggang 2023, tumalon yung net worth ninyo. mula P36 million sa halos P178 million. At may utang ka pang P250 million dyan? Totoo po ba yung utang na yan sa bank?
Guo: Ah, Your Honor, opo, doon sa previous po, doon sa unang SALN ko po, nai-declare ko na po yung utang ko po sa banko.
Hontiveros: At magkano yung utang na yun sa bank ko?
Guo: Ah, nung time po na dineclare ko po, nasa almost 200 plus 250. Ganun po.
Hontiveros: 250 million?
Guo: Opo, ngayon po nabawasan na po siya unti-unti.
Hontiveros: So, totoo ba yung utang na yan sa bank?
Guo: Opo, totoo po yan.
Hontiveros: Paanong lumaki ng 140 million yung net worth nyo in 6 years? At least yung declared. Paano po lumaki?
Guo: Ah, Your Honor, ah, nag-start po ako mag-work po 14. Through the years po. Ah, at, um, nagkaroon po ako ng loan po sa banko.
At until now po, yung utang ko po sa bank ko, hindi ko pa po siya fully nabayaran. Mayroon pa pa akong utang na outstanding po na almost 200 pa rin po.
Hontiveros: Of course, hindi naman natin tinitignan yung growth ng net worth nyo since you were 14. Ito lang sa pagitan ng ah, 6 na taon, no? Paano lumaki ng 140 million? Pwede bang matanong saang banko yung utang nyo?
Guo: Security bank po.
Hontiveros: Security bank. Okay. Para saan po yung utang?
Guo: Ah, sa farm po. Doon sa piggery po.
Hontiveros:Tapos, may mga dokumento kayong magpapatunay sa pagkakautang na yan?
Guo: Ah, mayroon po. Pwede po ako mag-provide po. Hingi po ako sa banko po.
Hontiveros:
And kaya po ako nagtatanong ng mga detailing na ito dahil yung SALN dapat truthful statement ng net worth nyo bilang public official.
Guo: Opo.
Hontiveros: So kung, kung spurious ito, you have assets of almost P300 million, Mayor, para sa akin po hindi yan, hindi yan simpleng tao lamang. Backtrack ako sa, sabi nyo kasi, hindi sa inyo yung McLaren na 620R. May photo kami dyan.
Guo: Yes po, Your Honor. Hindi po siya sa akin.
Hontiveros:
Oo. Pero yung ipapakita ko pong photo, yung nakapangalan kayo doon na bilang may-ari nung McLaren. May isa pa.
Guo: Oo po. Wala po, wala pong dokumento po na magpapatunay po na ako po yung may-ari po, Your Honor. Kasi, mayroon pong car show po. Wala pong dokumento po. Hiniram ko lang po siya.
Hontiveros: Nakalagay kasi dito, the McLaren 620R sports car owned by Bamban Mayor Alice Leal-Guo. December 11 po yan sa Concepcion, Tarlac.
Guo: Oo po. Car show po yun sa Concepcion po. At since nasa probinsya po kami, gusto lang po namin mapasaya po yung mga kababayan po namin.
Hontiveros: Kanino po yung McLaren?
Guo: Kay Sir Roy po.
Hontiveros: Roy?
Guo: Ah, Roy. Rodri… Bibigay ko po agad ngayon yung apelido po.
Hontiveros: Kung hindi nyo alam yung nagpahiram sa inyo ng P33 milyon pa.
Guo: Rod, ah, Rodrina, ah, ano po, ah.
Hontiveros: P18 milyon ang duties niyan. Siguro naman alam niya yung pangalan niyo dahil pinahiram niya ang napakamahal na kotse. Dapat alam niyo yung pangalan niya.
Guo: Oo po. Ah, ma’am, i-ano, imemessage ko na po ngayon. Is, hindi lang po ako masyado sure po doon sa surname niya.
Hontiveros: Anong pagkakilala niyo sa surname niya?
Guo: Ah, Rodrines po.
Hontiveros: Roy Rodrines?
Guo: Rodrines.
Hontiveros: Sino po siya?
Guo:Ah, sa kanya po yung ano, yung McLaren po.
Hontiveros: Pero sino po siya na nakaka-afford ng isang McLaren?
Guo: Ah, kakilala ko po siya. Nakilala ko po siya, gawa po ng mga sasakyan po.
Hontiveros: Ah, okay. Itatanong ko rin yung sasakyan. Ah, siya ba ay isa sa mga incorporators nyo dito sa Westcars?
Guo: Ah, hindi, hindi po.
Hontiveros: Pakita ko lang po yung dokumento.
Guo: Sige po.
Hontiveros: Okay. Ang nakalagay po ditong incorporators sa Westcars, ah, Yan Patrick Samson, kayo Alice L Guo, Jerome Samson, Jacqueline Samson, pare-parehong middle initial D sa naunang Samson, so baka magkakapatid ito, at Carlo Flores.
Wala pong Roy Rodrines. Ano po siya sa Westcars?
Guo: Ah, hindi po siya connected po sa Westcars po. Madam Chair, i-coconfirm ko lang po yung surname po. Ipaprovide ko po ngayon agad po.
Hontiveros: Alright. At kaya po po ito itinatanong Mayor, no? Itong McLaren, nakita rin po sa isang parking lot sa isang condominium sa Pasig City.
Ah, chineck natin yung conduction sticker na malinaw na nakadikit sa sasakyan.. May 13 po yun. Ayan. We had it checked sa LTO, at ito naman po yung lumabas. Hindi po yata McLaren, ah, ang nakarehistro. Isang hamak na Dong Heng Utility Vehicle.
Guo: Ahh
Hontiveros: So another mystery. Ako rin, napa-ah. But wait, there’s more. Nung sumunod na araw, wala na po yung conduction sticker. May nagtanggal. May nagtanggal. Bakit naman po ganyan yung mga kaibigan nyo, Mayor? O, ayan o. Wala na yung sticker.
Guo: Ah, Your Honor, hiniram ko lang po siya para po dun sa car show. In fact, makikita at malalaman nyo rin po dun sa mga tao nakakita. Dumating po siya, nakatow. Kasi hindi, ay, ito na po, Padiernos.
Hontiveros: Roy Padiernos.
Guo: Opo, Roy Padiernos.
Hontiveros: Sino po si Roy Padiernos?
Guo: Ah, siya po yung may-ari po nung sasakyan.
Hontiveros: Ano po siya?
Guo: Ah, kilala po, car dealer po.
Hontiveros: Car dealer. Ah, pero car dealer ba siya sa Westcars?
Guo: Ah, hindi po, Your Honor.
Hontiveros: Alright. So, isa pang, isang misteryo to, no? Tulad ng mga disappearing real assets sa SALN, ito naman disappearing conduction sticker. Ah, and by the way, ganong kalaki po yung Westcars, Mayor?
Guo: Ah, yung Westcars po, yan po ay isang showroom lang po ng mga sasakyan po.
Hontiveros: Pero ano yung value nung negosyo niya at yung… Ah, yung mga sasakyan dinidisplay sa showroom. Magkano yung kabuoang halaga ng Westcars?
Guo: Ah, yung showroom po, buy and sell po siya. So, nagpapadisplay po yung mga tao po. Ah, kunwari kung gusto po ibenta yung sasakyan, doon po dinidisplay po.
Hontiveros: So, magkano po yung kabuoang halaga nung negosyo ng Westcars?
Guo: Ah, Your Honor. Hindi po ako sigurado, sure po doon sa eksakto. Pero buy and sell po siya ng mga second hand po ng sasakyan po yung Westcars.
Hontiveros: Malaking negosyo siya or maliit?
Guo: Ah, considering po, gitna po siguro po, Your Honor. Kasi second hand na sasakyan po yung mga binibenta po doon sa Westcars po.
Hontiveros: I doubt na middle size lang. At hindi lang po second hand cars yan. Second hand, yes, mayroon. Pero mayroon din mga brand new. At hindi mga pipitsuging kotse. May ka-level ng McLaren. May kung ano-ano pang mga sosyal na brand. Mga limousine, mga bridal cars, mga bulletproof vehicles. Hindi po yan gitnang size.
I wish, Mayor, na pwede nyo nalang kaming sagutin ng diretsyo. Hindi parang mga nagda-divert na mga sagot na pag pina-follow up naman namin ay nalalaman po na hindi po accurate or makatotohanan yung sagot.
Ilan po ang kotse sa inventory ng Westcars?
Guo: Your Honor. As much as, as much as possible. ayoko po sumagot ng I don’t know at hindi ko po alam. But as of the moment po, hindi ko po talaga alam. Gawa po ng Westcars po, buy and sell po, may nagpapadisplay. Pagkatapos po, benta, ano po, bili, benta, doon po yung nangyayari po doon sa Westcars po.
Hontiveros: Pero ano, incorporator kayo at anyone, at any given time, pag may man nagtanong, malay nyo may prospective investor, gustong mag-buy in din, itatanong sa inyo. On any given day, ano ang average number na mga sasakyan dyan. Siguro naman dapat may working knowledge kayo. Yun lamang po yung sa akin.
Guo: Opo, Your Honor. Yung Westcars po kasi, Your Honor, hindi po ako yung mismo nagmamanage po doon.
Hontiveros: Yes, incorporator kayo. Pero I suppose kung, incorporator kayo, merong kayong working knowledge ng negosyo. Due diligence na naman. And interesado po ako because yung McLaren 620R na ipinanalo nyo sa Fiesta noong Disyembre, sa Concepcion, yung gray na may spiderweb design na yan, very rare po. Very rare. Ang alam ko, may po yan sa customs. So, did another one like that find its way here?
Guo: Your Honor, dumating po siya nakatow, hiniram ko po siya. Besides po that, kung ano po yung background po ng McLaren 620R po, wala na po akong idea. At siguro din po, after this Senate hearing po, tatawagan ko po sila at aalamin ko po. Para sa susunod po na tanong niyo po sa akin, kumpleto na po yung details ko po. Definitely, hindi po siya sa akin po. Hiniram ko lang po siya para sa car show po.
Hontiveros: Kay Mr. Roy Padiernos. Mayor may ipapakita naman din po ako dito na mga assets na di umano ay sa inyo. Can you confirm that these assets are yours? Mga lupa, mga buildings, mga sasakyan.
Guo: Hindi po masyado clear po sa akin.
Hontiveros: Meron po ditong sa real properties, QJJ Farms.
Guo: Yes po.
Senator Risa Hontiveros
Something, residential house near QJJ Farms, QJJ Embroidery Center, Baofu Compound, 3-Link?
3-Link Farm at another 3-Link Farm, Ford Expedition, GMC, Truck, dalawa pang Ford.
Naulit ko lang yung isang Ford. So isa pang Ford. Toyota Land Cruiser, Isuzu Truck, or baka yan yung isa, Honda HR-V, Hyundai Tucson, BMW, GAC, Wagon, Ford Ranger, Gladiator Jeep, tatlong Sino-Truck na dump trucks, Isuzu Closed Van, Isuzu Truck, dalawang Isuzu Truck na yung isa dropside.
Can you confirm na mga assets ninyo ito?
Guo: Your Honor, hindi ko na po sila assets. Especially yung sa Baofu po, nag-divest na po ako ng 2021. Yung sa Ford Expedition po, nabenta ko po siya ng 2020.
Kaya ko po siya naalala dahil po nakita po siya sa loob ng Baofu Compound. Doon sa Land Cruiser po, wala na rin po sa akin. Honda po, wala po akong maalala na mayroon po akong Honda. G-Wagon po yung isa, wala na rin po sa akin. Buy and sell po ng kotse po kasing negosyo din po doon sa Westcars. Kaya may umiikot po lang na sasakyan. Pero ang sasakyan ko po na gamit ko po ngayon is yung GAC po.
Hontiveros: So, bukod sa Baofu, yung 1, 2, 3, 4, 5, yung lima pang properties dito, naka-declare ba sa latest SALN nyo? At bukod doon sa Expedition Land Cruiser, Honda, at G-Wagon, doon sa mga 15, 16 na sasakyan. So, yung isang dosenang sasakyan pa, lahat din ba iyon ay declared sa SALN?
Guo: Madam Chairman, hindi po yung pag-aari ko na. Kaya hindi po siya naka-declare po sa akin. Ido-double check ko rin po yung na-mention nyo po. Yung iba po kasi dito, ngayon ko lang po narinig. Ngayon ko lang po nalaman na nakapangalan sa akin. Pero definitely po, wala pong ganun sa sasakyan po.
Hontiveros: Sige po. Paki-confirm lang, no? Yung lima pang properties at yung 11 pang sasakyan. Andito po, yung binasa ko kanina.
Actually, mga negosyo nyo, yung mga Q. Yung mga Q businesses, QJJ businesses. At ilan pa. At yung 3 Link businesses. Paki-confirm kung dineclare nyo sa SALN nyo.
And then, Mayor, sabi nyo, po, mayroon kayong chopper, pero binenta nyo na. Do you stand by this statement?
Guo: Yes po, Your Honor.
Hontiveros: Kasi po, pagkatapos nung nakaraang hearing, kumontak po kami sa CAAP. At active pa po ang registration ng chopper nyo na nasa pangalan nyo. Ito po.
Guo: Yes po, Your Honor.
Hontiveros: So, can you explain this? Bakit sinabi nyo binenta nyo na ito, samantalang lumalabas, kayo pa rin yung may-ari?
Guo: Your Honor, ang kontrata po namin yan, ay deed of absolute sale po. Ay deed of conditional sale po pala. Babayaran po siya in next 6 months po. Installment din po.
Hontiveros: Next six months.
Guo: Installment po siya, monthly po.
Hontiveros: So, are you telling me na pagkatapos ng kalahating taon, anong mangyayari? Anong mag-iiba sa dokumentong ito?
Guo: After po mabayaran po, mag-execute na po ako ng deed of sale po sa kanya lang.
Hontiveros: So, sa ngayon, pagmamay-ari nyo pa rin?
Guo: Ngayon po, hindi na po.
Hontiveros: Itong chopper
Guo: Hindi na po ngayong pag-aari ko po, Your Honor. Kasi meron na po, binenta ko na po. However, hindi po siya full payment po. Kaya hindi po siya deed of sale.
Kaya ginawa po siyang conditional sale po.
Hontiveros: So, habang hindi pa deed of sale na consummated, kayo pa rin yung may-ari?
Guo: Hindi na po kasi nagbabayad po siya sa akin ng, installment po na six months po.
Hontiveros: So, sinong may-ari?
Guo: Meron po isang British company po.
Hontiveros: Anong pangalan ng British company?
Other speaker: Ipaprovide ko po yung contract po, Your Honor.
Hontiveros: Ang magiging eventual owner ay empleyado ng British company?
Guo: Ang magiging eventual owner po ay yung company po na bumili po sa akin.
Hontiveros: Na yun yung British company?
Guo: Magpa-provide po ako ng copy po sa inyo po, Your Honor.
Hontiveros: So, yung British company po yung nagbabayad sa inyo ng, on installment in the next six months?
Guo: Yes po, Your Honor. Meron lang po kami agent in between na magbabayad po sa akin.
Hontiveros: Anong klaseng British company yun? Bibili ng chopper tapos on installment pa?
Guo: Your Honor, provide ko na lang po yung details po na lahat po sa inyo para mas ma-investigate nyo po na ano po.
Hontiveros: Actually, last hearing nyo pa kasi sinabi na ibinenta nyo sa British company. . Last hearing nyo pa ipinangakong ibigay yung pangalan. So, anong pangalan nung British company?
Guo: Your Honor, okay lang po. Ihingi po ako ng extension po. Within the day po, ibigay ko po yung contract po.
Hontiveros: I’m sorry, Mayor. Binigyan na po kayo ng ilang araw mula nung nakaraang hearing. And you promised to tell the committee the name of this British company. So, please.
Guo: Opo? Yes, opo.
Hontiveros: I need the answer now. Kasi, dapat hindi ganitong kahirap magtanungan ng ano. Magkatrabaho sa gobyerno. Kung facts yan, dapat na ibibigay natin sa isa’t isa.
Hindi yung humingi kayo ng palugit noon, ibinigay naman ng chair. Ngayon, ipa-follow up ko, ihingi na naman kayo ng palugit. No, please. If there’s any truth to that sale to a British company, ano po yung pangalan ng British company na yan?
Guo: Opo, Your Honor.
Hontiveros: Ano pong pangalan niya, Mayor?
Guo: Tinatawagan ko na po ngayon, Your Honor. Iko-confirm ko lang po para sigurado po.
Hontiveros: Iko-confirm niyo yung pangalan?
Guo: Opo, iko-confirm ko lang po para sigurado.
Hontiveros: Bakit hindi niyo alam, Mayor? Binenta niyo sa kanila, they owe you money. Babayaran kayo ng installment for six months. Ano pong pangalan ng British company na yan?
Guo: Your Honor, yung pangalan po ang na-execute po is yung lawyer. Kaya, iko-confirm ko lang po para sigurado po.
Hontiveros: Sinong lawyer?
Guo: Lawyer ko po.
Hontiveros: Anong pangalan ng lawyer niyo?
Guo: Attorney Phil Joy.
Hontiveros: Attorney Phil Joy. Apelido nila yung Phil Joy?
Guo: Opo. Phil Joy po. Baluyot po.
Hontiveros: Baluyot. Andito ba si Attorney Baluyot?
Guo: Opo. Ay, wala po. Ang pangalan po ng company po, New Summit Industries Limited po.
Hontiveros: New Summit Industries Limited. Anong negosyo nitong New Summit Industries Limited?
Guo: I believe po ang negosyo din po nila is chopper din po.
Hontiveros: Chopper din. So chopper ang negosyo nila pero bumili sila ng second hand chopper sa inyo.
Guo: Ang pagkakalam ko po, Your Honor, matagal daw po ang waiting time po ng Lion Air po ngayon. At it so happen po, tinanong na binibenta ko po dahil ang gusto ko naman po talagang negosyo po dun sa chopper ay gagawin po siya parang air taxi. However po, hindi po nag-push through, binenta ko na lang po.
Hontiveros: So itong New Summit Industries Limited, nasa chopper business, pero hindi makabayad sa inyo ng cash, magbabayad sa inyo ng installment over six months.
Guo: Yan po yung usapan po namin, Your Honor.
Hontiveros: Alright. Alam niyo Mayor, hindi kailangan ganitong kahirap, sumagot sa tanong ng Senate committee, na kailangan parang halos kaladkarin mula sa loob ninyo. Transcript mula sa website ng Senate of the Philippines