MASAYANG ibinalita ni Senator Sonny Angara sa kanyang Facebook page na aprubado na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng #TatakPinoy Law.
Aniya, “Ngayon na aprubado na ang IRR ng #TatakPinoy Law, magsisimula na ang pagbuo ng Tatak Pinoy Strategy, na magsisilbing komprehenshibong plano kung papaano magtutulungan ang gobyerno at Industriya para maging sopistikado at de kalidad ang mga Tatak Pinoy products and services. Magbubukas na rin ang nominations para sa private sector representatives sa Tatak Pinoy Council. Magsasagawa rin ng roadshow sa mga rehiyon ng bansa para mas makilala ng taumbayan ang Tatak Pinoy Law.”