MASAYANG ibinalita ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri sa kanyang Facebook page na pasado na sa third reading and New Government Procurement Act.
Aniya, “Pasado na po sa third reading and New Government Procurement Act, na isa sa mga priority measures ng administrasyon.
“Sa panukalang ito, mas maayos na ang procurement process ng gobyerno dahil magkakaroon na tayo ng mas maraming modes of procurement.
“Papayagan na rin dito ang pagbili ng secondhand goods. Mas maganda kasing bumili ng secondhand pero high-quality kesa brand new pero low-quality naman ang gawa.
“Umaasa tayo na malaki ang maitutulong nitong panukala sa ating development projects and programs.
“Congratulations kay Sen. Sonny Angara na nag-sponsor nito.”