26.5 C
Manila
Linggo, Enero 5, 2025

VP Sara sa PMA graduates: Maraming salamat sa pagtanggap sa hamon na paglingkuran ang bayan

- Advertisement -
- Advertisement -

IBINALITA ni Vice President Sara Duterte na dumalo siya sa Philippine Military Academy (PMA) Commencement Exercises ng “Bagong Sinag” Class of 2024 sa Fort General Gregorio H. del Pilar sa Baguio City noong Sabado, Mayo 18, 2024.

Kuwento niya sa kanyang Facebook page, “Isa pong karangalan ang maging bahagi ng Philippine Military Academy (PMA) Commencement Exercises ng “Bagong Sinag” Class of 2024 sa Fort General Gregorio H. del Pilar sa Baguio City noong Sabado.

Paliwanag niya, “Ang “Bagong Sinag” Class ay binubuo ng 278 na mga graduates mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas na siyang magiging dagdag na puwersa sa ating sandatahang lakas. Sila ay nagtapos na may antas ng Bachelor of Science in National Security Management.

“Bilang Pangalawang Pangulo, iginawad ko ang Vice Presidential Saber sa ikalawang pinakamataas na nagtapos na si Cadet 1st Class Mark Armuel Boiles.

“Hindi madali ang makapasok at lalo na ang makapagtapos sa prestihiyosong Philippine Military Academy kaya lubos ang aking taos-pusong pagbati sa lahat ng nagtapos at sa kanilang mga magulang.

“Maraming salamat sa pagtanggap sa hamon na paglingkuran ang bayan sa kabila ng panganib na kaakibat ng inyong trabaho. Isang matikas na pagpupugay sa magigiting nating mga bagong tagapagtanggol ng bayan.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -