26.5 C
Manila
Linggo, Enero 5, 2025

Robin, humingi ng pag-unawa para kay Senator Bato sa Senate Leadership issue

- Advertisement -
- Advertisement -

HUMINGI ng pag-unawa si Sen. Robinhood “Robin” Padilla nitong Miyerkules para sa desisyon ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa para sumali sa PDP party sa pagsuporta ng leadership change sa Senado.

Ani Padilla, na acting president ng PDP, sumunod si dela Rosa sa posisyon ng partido na magkaroon ng iisang boto sa mga isyu.

“Ang hinihingi namin, wag naman masyadong, kawawa naman si Bato kasi walang kasalanan si Bato. Si Bato ay sumunod lang sa partido. Sana maintindihan natin na meron pa sa Pilipinas na mga totoong partido pulitikal na talagang sama-sama,” aniya.

May apat na miyembro ang PDP sa Senado: Padilla, dela Rosa, ngayo’y majority leader Francis Tolentino, at Christopher Lawrence “Bong” Go.

Nilinaw din ni Padilla na hindi ang diumano’y “artista bloc” na gumalaw para palitan si Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri bilang Senate President. Dagdag niya, wala siyang problema kay Zubiri bilang Senate president.

Gayunpaman, sinabi niya na nang kinausap nila si dela Rosa, wala na siyang magagawa.

“Sa aming bloc di pwedeng maghiwa-hiwalay, kung anong boto ng isa, yan boto ng lahat. Kaya nang kinausap namin si Bato wala siyang magawa. Kailangang mamili siya, kanyang partido o matatawag nating pakikisama kay SP Migz Zubiri,” aniya.

“Siyempre nanaig ang pagiging party man niya kasi yan adhikain ng PDP. Kailangan sumuinod ka sa sinasabi ng partido. Kaya ang artista bloc o anong bloc yan hindi po, partido naming PDP,” dagdag niya.

Video: https://www.youtube.com/watch?v=6YBViOGwTwg

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -