26.8 C
Manila
Huwebes, Enero 9, 2025

SSS, muling nagpaalala sa mga employers na gawin ang kanilang obligasyon

- Advertisement -
- Advertisement -

MULING pinaalalahanan ng Social Security System (SSS) ang mga employers na gawin ang kanilang obligasyon lalo na ang pagbibigay ng SSS contribution ng kanilang mga empleyado.

Sa Usapang PIA nitong Mayo 16, 2024, nagbigay ng paalala si RCO Christian Rillorta sa mga employers at empleyado ukol sa pagbabayad ng SSS contribution.

Binigyang-diin  ni SSS Luzon North 1 Division regional communications officer Christian Andrew Rillorta na nakasaad sa batas partikular na ang Republic Act No. 11199 o Social Security Act na obligado ang mga employer na i-remit ang kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

“For the employers, please, this is your legal obligation. Alagaan ho ninyo ‘yung mga empleyado ninyo kasi sila po ang bumubuhay sa inyong negosyo and one way to alagaan them is to pay for their SSS contribution,” paalala ni Rillorta.

Upang masiguro ang pagsunod ng mga employer sa batas, isinasagawa ng SSS ang Run After Contribution Evaders o RACE campaign.

Paliwanag ni Rillorta, binibigyan nila ng show cause orders ang mga employers na may paglabag sa batas kung saan, may 15 araw sila para pumunta sa tanggapan ng SSS upang magpaliwanag kung bakit hindi sila dapat masampahan ng kaso. Binibigyan din sila ng 15 araw para mag-comply.

Umaasa si Rillorta na sa pamamagitan ng RACE campaign ay mababawasan ang mga employers na lumalabag sa batas.

Sa ilalim ng Social Security Act, ang mga employers na makikitaan ng paglabag o mga delinkwente ay maaaring magbayad ng multa at makulong.

Samantala, pinaalalahanan din ni Rillorta ang mga empleyado na regular na i-check ang kanilang SSS contributions upang masiguro na may pumapasok sa kanilang account.

“Please check regularly your SSS contributions. You have the my.sss account or the SSS mobile app, haan kayo nga agsardeng nga nakita yo iti pay slip yo nga naikkatan kayo for SSS, make sure nai-remit.”

Siniguro naman nito na bukas ang kanilang tanggapan sa anumang concern ukol pa rin sa SSS contributions. (DEG-PIA CAR)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -