27.2 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Report ni Sen Villanueva sa mga mahahalagang  nangyari sa Senado

- Advertisement -
- Advertisement -

IBINALITA ni Senate Majority Leader Joel Villanueva sa kanyang Facebook page ang mga mahahalagang nangyari sa Senado ngayong Lunes.

“Sinimulan po natin ang sesyon ngayong Lunes sa pagtalakay ng ilang mga paksa tungkol sa Rules of the Senate. Pasado na rin po sa third reading ang 16 na local bills na naglalayong magtatag ng mga bagong korte sa iba’t ibang probinsya sa bansa.

“Tatlong panukala naman po na naglalayong magbigay ng prangkisa sa mga iba’t-ibang establisyimento na naghahatid ng kuryente sa ating mga kababayan sa Romblon, Leyte, at Negros ang naipasa na sa second reading.

“Tinalakay rin po ang ilang mga panukala gaya ng Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA), pagpapatibay ng retirement at pension system para sa ating mga military at uniformed personnel, at sponsorship ng Philippine Archipelagic Sea Lanes Act.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -