30.9 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Libreng pustiso at preventive dental care coverage sa PhilHealth, tinutulak ni Tulfo

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGHAIN si Senator Idol Raffy Tulfo ng Senate Resolution upang pag-aralan ang pag-amyenda sa Universal Health Care (UHC) Act nang sa gayon ay mapalawig ang benefit packages nito kung saan kasama na komprehensibong dental health services tulad ng libreng pustiso.

Sa paghahain ng Senate Resolution No. 1021, sinabi ni Tulfo na sa kasalukuyan, hindi kasama ang basic dental care coverage tulad ng oral prophylaxis o ang pagpapalinis ng ngipin, at hindi rin kasama ang libreng pustiso, sa mga benepisyong saklaw ng PhilHealth.

“Dental health is an integral component of overall health and well-being, yet, access to dental services remains limited and often unaffordable for many Filipinos,” saad niya.

Ayon sa 2018 National Health Survey, humigit-kumulang 73 milyong Pilipino ang dumaranas ng caries o pagkabulok ng ngipin.

Ayon sa isang artikulo na inilabas ng Harvard Health Publishing noong February 15 2021, napag alaman na may koneksyon ang gum disease at cardiovascular health.

Kapag napabayaan at hindi naagapan ang pagdami ng dental plaque sa paligid ng mga ngipin ay baka mauwi rin ito sa isang porma pa ng plaque sa dugo na kung tawagin ay ateherosclerosis — na pag-build up o pagbara ng mga fats, cholesterol, calcium at iba pa sa arteries.

Ang atherosclerosis ay marka ng coronary heart disease, dagdag pa ng Harvard. At ito ay maaari raw magresulta sa stroke o heart attack.

Ang Senate Resolution na inihain ni Sen. Idol ay hindi lamang makakatulong sa pangkalahatang kalusugan lalo na ng mga mahihirap nating kababayan, kundi para na rin sa mas maayos na pagtrato sa kanila sa kanilang trabaho at komunidad.

“Ensuring access to dental health services is not only a matter of public health but also of economic productivity, as poor dental maintenance can adversely affect job prospects and career advancement,” saad niya.

“The provision of dentures, as a prosthetic solution for tooth loss, can restore oral function, and enhance self-esteem and confidence for individuals who cannot afford dental treatment,” dagdag niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -