ISINUSULONG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippines-European Union Free Trade Agreement (PH-EU FTA) sa kanyang mensahe na ipinaabot ni Executive Secratary Lucas Bersamin sa Joint European Chamber of Commerce Investors Night kahapon, ika-6 ng Mayo.
Ayon kay PBBM, layunin ng pamahalaan na isapinal ang mga negosasyon pagdating ng 2027 upang mapaunlad ang kalakalan at pamumuhunan, partikular na sa renewable energy, electronics manufacturing, at sustainable infrastructure. Mula sa Presidential Communications Office