28.6 C
Manila
Lunes, Nobyembre 25, 2024

Eksibit sa mga Wika ng Katutubong Pamayanan matutunghayan hanggang Mayo 10

- Advertisement -
- Advertisement -

KASAMA ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), matagumpay na napasinayaan ang eksibit sa mga nanganganib na wika. Ang Eksibit sa mga Wika ng Katutubong Pamayanan ay ginanap sa Senado noong Abril 29 sa pangunguna ni Senator Loren Legarda at KWF Tagapangulo Arthur Casanova.

Pormal na pagbubukas ng Ikalawang Eksibit sa mga Nanganganib na Wika. Nasa larawan sina (mula sa kaliwa) Madelyn Badoso, Herminio Mendoza, Sen. Loren Legarda, Tagapangulong Arthur Casanova, Reneboy Francisco, Melinda Sta. Ana at Violeta Vertudez.

Tampok sa eksibit ang mayamang wika ng mga pangkat etnikong Remontado at Ata, partikular ang kanilang wikang Hátang Kayé at Inatá na matatagpuan sa ilang mga komunidad sa probinsya ng Quezon, Rizal, at Negros Occidental.

Ang mga wikang ito ay nabibilang sa mga itinuturing na lubhang nanganganib na wika dahil sa kakaunting bilang ng mga kasalukuyang gumagamit ng mga ito.

“Ako ay nalulungkot na ang mga wikang ito ay kabilang sa 36 na lenggwahe na nanganganib nang mawala dahil kakaunti na lamang na mga katutubong Pilipino ang nakapagsasalita ng mga ito, kung kaya’t tayo ay nagsasagawa ng mga ganitong eksibit at iba pang programa upang maiparating ang kahalagahan ng pagpapalaganap at pagpapayaman sa mga katutubong wika sa pagpapanatili ng ating kultura,” paliwanag ni Sena

“Makikita sa eksibit ang mga awit, ritwal, at likhang kamay ng mga Remontado at Ata na ilan sa mga patunay ng kanilang makulay na kultura at wika na nararapat lamang pangalagaan at protektahan.

“Inaanyayahan ko ang lahat ng mga empleyado at bisita ng Senado na bisitahin ang eksibit upang mapalawak ang ating kaalaman hinggil sa mga wika ng mga katutubo at ating maintindihan ang maaaring kahinatnan ng mga yamang ito kung ipagsasawalang bahala natin ang kanilang kahalagahan.

Ang eksibit ay bukas hanggang ika-10 ng Mayo 2024 sa ikalawang palapag ng Senado.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -