INILUNSAD ngayong araw, May 2, ang ika-164 na Malasakit Center sa Soccsksargen General Hospital sa Surallah South Cotabato, at personal na sinaksihan ito ni Senator Bong Go, ang chairman ng Senate Committee on Health.
Ang Malasakit Center program ay isang one-stop shop kung saan nasa iisang opisina na ang Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office. Hindi na magpapalipat-lipat ang mga benepisyaryo sa mga naturang ahensya ng pamahalaan upang maka-avail ng tulong medikal.
Kasama ng senador sina South Cotabato Vice Governor Arthur Pingoy Jr., Surallah Mayor Pedro Matinong Jr., Philip Salvador, at ilan pang local at health officials ng probinsya.
Noong 2019, isinulong ni Senator Kuya Bong Go ang pagsasabatas ng panukalang magtatatag ng mga Malasakit Centers sa buong bansa. Patuloy niyang sisikapin sa abot ng kanyang makakaya ang pagpapabuti pa lalo ng ating healthcare system. Para kay Senator Bong Go, dapat mailapit ng ating pamahalaang mga serbisyong pangkalusugan sa taumbayan.
Dagdag pa niya, “mahalaga ang mga Malasakit Centers sa pagsalba ng buhay ng ating mga kapwa Pilipinong may sakit, lalo na ang mga mahihirap, hopeless, helpless, at walang malalapitan maliban sa gobyerno.” Mula sa Facebook page ni Senator Bong Go