27.1 C
Manila
Linggo, Enero 5, 2025

Gobyerno, babaguhin ang procurement paradigm: Bagong pamamamaraan sa ilalim ng panukalang batas

- Advertisement -
- Advertisement -

SAMANTALA muling tinutukoy ng gobyerno ng Pilipinas ang procurement procedures sa ilalilm ng  proposed NGPA.

Binigyang-diin ni Director Santiago ang mga pangunahing pagbabago, kung saan ipinaliwanag niya na ang public bidding ay hindi na magiging pangunahing paraan ng pagbili kundi isa lamang sa mga available procurement modalities.

Ipinakita ni Santiago ang kahalagahan nito sa pamamagitan ng pagbalik-tanaw sa resulta ng Bagyong Yolanda noong 2013. Noong panahon ng emergency, nagrekomenda ang Government Procurement Policy Board (GPPB) ng emergency procurement dahil sa pinsalang dulot ng kalamidad. Gayunpaman, ilang ahensya ang nanatiling nakatutok sa tradisyonal na competitive bidding process, kahit pa sa gitna ng krisis. Ipinaliwanag ni Santiago ang kanilang pangamba, sa takot sa potential na  imbestigasyon o iba pang mga kahihinatnan.

“Kung maaalala niyo po nung Yolanda, I think that was in 2013, emergency na ho ‘yung sitwasyon. Nag-tanong po sa GPPB noon sa amin. Sabi namin, dapat po mag-emergency procurement na ho kayo kasi nasalanta na ho kayo ng bagyo eh. Sabi nila eh ayaw po namin. Sabi nila gusto nilang mag-bidding pa rin. Sa gitna ng sakuna, sa gitna ng mga nasalanta ng bagyo, gusto pa rin mag-bidding ng ahensya. Bakit? Kasi ho natatakot ho kami. Baka ho kami maimbestigahan. So pinasok na po dito sa ating batas, dito po sa ating Proposed Law, ‘yung tinatawag natin na proportionality and fit for purpose concept. Gamitin mo ‘yung naaayon na procurement mode sa kung anong sitwasyon mo,” pahayag ni Santiago.

Upang tugunan ito, inilalatag ng panukalang batas ang mga konsepto o prinsipyong “fit for purpose” at “proportionality”. Hinihikayat ng mga ito na pumili ang mga ahensya ng pinaka-angkop procurement mode batay sa partikular na sitwasyon, na magtitiyak sa flexibiity at efficiency sa panahon ng mga emergency at higit pa.

“So pinasok na po dito sa ating panukalang batas, dito po sa ating Proposed Law, ‘yung tinatawag natin na proportionality and fit for purpose concepts. Gamitin mo ‘yung naaayon na procurement mode sa kung anong sitwasyon mo,” ayon kay Santiago.

Ang NGPA ay naglalayong lumikha ng isang procurement landscape na nakahanay sa nagbabagong pangangailangan ng bansa, na  itinataguyod ang resilience at adaptabiity sa harap ng mga hamon.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -