29 C
Manila
Miyerkules, Enero 8, 2025

Ano ang inaasahang paggalaw ng exports at imports of goods sa mga susunod na buwan?

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

ANO ang inaasahang paggalaw ng exports at imports of goods sa mga susunod na buwan? Tataas na ba ang exports at imports ngayong taon mula sa pagbaba noong nakaraang taon? Ano ang magiging epekto nito sa depisit ng trade in goods? 

Dumausdos and depisit ng balance of trade noong 2023 pagkatapos itong lumago sa dalawang taong pagbawi noong 2021 at 2022 mula sa epekto ng pandemyang Covid-19. Ang dahilan nito ay ang paglaganap ng pandaigdigang economic shock dahil sa pagtaas ng interest rates para labanan ang inflation na sanhi ng giyera sa Rusya at Ukraine at iba pang geopolitical uncertainties, at ng paglala ng climate change na nagdulot ng pagbaba ng ani sa maraming bansa. Dahil sa pagbaba ng GDP growth ng maraming bansa, naging manipis ang demand ng  ibang mga bansa sa exports natin. Gayundin ang demand ng imports natin ng capital goods mula sa ibang bansa. 

Pagkatapos bumagsak ang exports of goods sa 8.2% noong 2023, Nagsimula nang umangat ang exports of goods noong unang dalawang buwan ng 2024. Tumaas nang 12.3% noong Enero at Pebrero.  Ang pinakamataas na paglago ay naitala ng machinery at transport equipment (53.1%) na sinundan ng electronics (21.3%), chemicals (17.4%), fruits and vegetables (17.4%) at copper metal (1.1%). Ngunit matumal pa rin ang garments ang apparel na patuloy ang pagbagsak sa 13.8%. 

Sa ganang imports of goods, may bahagyang pagbaba sa-0.5% noong unang dalawang buwan. Ngunit ang pagbaba ay hindi kasing-laki noong nakaraang tao na dumausdos sa 8.5%.   Ang pinakamataas na paglago ay naitala sa mineral fuels ang lubricants (337.4%), na sinundan ng power-generating machinery and office equipment (11.9%). Matumal pa rin ang imports ng transport equipment (-4.5%), electronic components (-11.0%), at telecom equipment at electrical machinery (-16.4%) na patuloy ang pagbagsak.   

Ang pagratsada ng mineral fuels and lubricants ay dahil sa 80.6% na paglago ng bolyum ng imports ng produktong petrolyo. Nagmura sa 2.4% ang presyo sa US dollars ang produktong petrolyo mula US$82 kada bariles noong 2022 sa US$80 kada bariles kaya sinamantala ng mga kumpanya ng langis na umangkat ng pangangailangan nila sa mga buwang darating. Ngunit sa Marso at Abril, maaaring tataas ito dahil sa gulo sa Middle East sanhi ng giyera ng Israel at Hamas. Ngunit inaasahang itoy panandalian lamang dahil ang direksyon ng petroleum futures na naghuhudyat ng presyo sa hinaharap ay pababa pa rin. Ang presyo ng i-dedeliver sa Disyembre 2024 ay bababa sa $81.2 kada bariles, mas mababa kaysa sa presyong $86.63 kada bariles na spot price niya ngayong gitna ng Abril.      


Dahil sa inaasahang pagbuti ng mga ekonomiya habang tinatapyasan ng mga bansa ang interest rates at inflation rates, tinatayang lalago pa ang exports at imports of goods sa hinaharap. 

Inaasahang lalago ang exports sa 5% sa 2024 at ang imports naman ay lolobo sa 7%.  Ang total trade ay aakyat sa 6.3% at kasama nitong aakyat ang depisit ng trade in goods sa $57.0 bilyon, equivalent sa 11.2% ng GDP.   

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -