MASAYANG ibinalita ni Vice President Sara Duterte ang kanyang pagdalo sa Ika-15 National Economic Development Authority (NEDA) Board Meeting sa Malacañang Palace.
Aniya, “Ikinagagalak ko pong makadalo sa 15th National Economic Development Authority Board Meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., noong ika-25 ng Abril sa Palasyo ng Malacañang.
”Ipinanukala natin at inilatag ang Basic Education Development Plan (BEDP) 2030 at MATATAG Agenda ng Kagawaran ng Edukasyon bilang pambansang polisiya at plano para sa ating Basic Education sa bansa. Ito ay nakahanay at tugon ng Kagawaran sa Sustainable Development Goal 4 on Quality Education at AmBisyon Natin 2040.
Ang BEDP ay mayroong apat na mga haligi, Access, Equity, Quality, at Resiliency and Well-Being.
Upang maging matibay ang pagpapatupad ng BEDP, bumuo tayo sa Kagawaran ng Edukasyon ng specific roadmap na naglalaman ng konkretong mga programa at aksyon upang maipatakbo ang BEDP Framework.
Dito, binuo natin ang MATATAG agenda.
MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa.
MA – Making the curriculum relevant
TA – Taking steps in accelerating education delivery and services
TA – Taking good care of learners
G – Giving support to teachers
“Maraming salamat sa bumubuo ng NEDA Board sa pag-apruba ng naturang mga panukala.
”Hindi tayo titigil sa ating tungkulin, at patuloy tayong magsisilbi para maabot ang pangarap ng bawat Pilipinong mag-aaral.”