HALOS 3,000 residente mula sa iba’t ibang sektor sa Lalawigan ng Quezon ang nabahagian ng mahahalagang tulong ng mga opisina nina Senator Alan Peter at Pia Cayetano nitong nagdaang April 23-25, 2024.
Sa kanilang layunin na palakasin ang mga maliit na negosyo sa bansa, binisita ng mga ito ang mga bayan ng San Andres at Lucena upang suportahan ang pangkabuhayan ng 2,166 residente noong April 23 at 25.
Ang mga aktibidad na ito ay naging posible sa tulong nina San Andres Mayor Ralph Lim at Lucena City Mayor Mark Alcala.
“Napakalaking halaga po sa aming mahihirap na nakakarating sa amin ang inyong tulong,” pasasalamat ng isa sa mga benepisyaryo na si Sonita Paaca mula sa San Andres.
Nagpahayag din ng pasasalamat si Aileen Sajul mula sa Lucena City para sa napapanahong tulong mula sa magkapatid na senador, lalo na sa gitna ng pagbaba ng benta para sa maraming may-ari ng maliit na negosyo sa lugar.
“Dumarating po talaga ang tag-tumal pero tuloy pa rin po ang laban kaya napakalaking tulong po nito sa mga mailiit na maninindahan. Maraming salamat po kina Senator Pia at Senator Alan. Ito po ay malaking bagay para sa pang-dagdag ng mga puhunan namin,” wika niya.
Sa kanilang pagbisita sa Lalawigan, karagdagang 800 residente mula sa Gumaca at Tayabas, na kumakatawan sa iba’t ibang sektor kabilang ang mga Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, Senior Citizens, Pregnant Mothers, at Women’s Groups, ay tumanggap din ng mahahalagang tulong sa pamamagitan ng partner partnership ng Cayetano-DSWD.
Ang tulong na ito ay naitaguyod sa tulong ni Gumaca Mayor Webster Letargo at ng mga konsehal ng Tayabas na sina Elsa Rubio, Luz Cudra, at Melo Cabarrubias.
Ang tatlong araw na pamamahagi ng tulong sa Lalawigan ng Quezon ay nagpapakita ng dedikasyon ng mga Cayetano sa pakikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan upang alalayan ang mga mahihirap na Pilipino at mga sektor na nangangailangan sa bansa.
Sa mga araw ding yaon, ang kanilang mga opisina ay nagbigay din ng tulong sa 1,000 biktima ng baha sa Bulacan at naglaan ng mga toolkits sa 118 na agricultural course graduates ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Puerto Princesa City, Palawan.