30.9 C
Manila
Miyerkules, Enero 15, 2025

Philippine Medical Act of 1959 nais i-revisit ni Sen Tulfo

- Advertisement -
- Advertisement -

KAMAKAILAN, sumailalim sa isang pangkaraniwang hysterectomy procedure ang isang pasyente sa isang pribado at sikat na ospital. Pagkalipas ng limang araw, dahil sa nararamdamang matinding sakit sa tiyan, muling inoperahan ang pasyente para tignan kung anong problema. Doon nakita na dahil sa ginawang robotic-assisted procedure, nabutas pala ang bituka niya na maaaring nadamay sa ginawang operasyon kaya nagka-impeksyon siya sa dugo at ikinamatay niya kinabukasan.

At kamakailan lang din, isang batang pasyente naman ng dengue sa isang ospital ang namimilipit sa sakit sa tiyan. Ang ginawa ng doktor, pinalagyan ng hot compress ang tiyan ng pasyente.

Ang siste, sa halip na gamitin ang standard rubberized hot compress bag, ang ginamit na lagayan ng mainit na tubig ay ang surgical gloves kaya sumabog ito habang nakapatong sa tiyan ng bata at nalapnos ang ari niya. Nang dahil dito, kakailanganin ng pasyente na sumalang sa maraming operasyon.

Maraming beses na rin tayong nakarinig ng mga insidente tungkol sa mga pasyente na matapos maoperahan ay nagkakaroon ng impeksyon dahil naiwan pala ang gunting, scalpel, gasa at iba pa sa loob ng katawan nila.

Mismong ang Raffy Tulfo in Action (RTIA), sa mga nagdaang panahon, ay hindi na mabilang ang mga reklamo ng mga pasyente o mga kamag-anak nila na nagsusumbong dahil kung ‘di man naging pabaya ang doktor at ospital, mali ang ibinigay na diagnosis sa maysakit o di kaya’y palpak ang naging operasyon na nagresulta sa pagkamatay ng pasyente.

Walang pinipili ang medical malpractice. Mayaman man o mahirap, pareho silang pwedeng maging biktima. Pero ang mga mayayaman ay may perang pang-demanda samantalang ang mga mahihirap ay wala kaya, nagrereklamo na lang sila sa pamunuan ng ospital subalit madalas ay hindi sila pinapansin, kaya dito, marami sa kanila ay ipinapasa-Diyos nalang ang nangyaring trahedya.

At ang iba naman ay inaakyat ang kaso sa Professional Regulation Commission (PRC) upang pa-imbestigahan ang kanilang reklamo. Ngunit, ayon sa mga sumbong, inuupuan lang daw ng PRC ang mga kaso. Nang dahil dito, si Sen. Idol ay magpapasa ng Senate Resolution in aid of legislation para i-revisit ang RA 2382 o “Philippine Medical Act of 1959.”

Dito ipapatawag na rin ang PRC upang busisiin kung bakit mabagal ang pag-usad ng mga kasong medical malpractice sa kanila kaya patuloy pa rin ang pagiging talamak ng mga insidente ng kapabayaan at kapalpakan ng mga doktor at ospital pagdating sa proper patient care.

Layon ng Senate Resolution na ito na bigyan ng pangil ang batas para maging mabilisan na ang imbestigasyon sa lahat ng medical malpractice cases, at maipataw agad ang mabigat na parusa sa mga nagkasala. At makamit ng mga biktima ang tamang danyos at hustisya. Mula sa Facebook page ni Senator Raffy Tulfo in Action

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -