TAUS-puso po tayong nakikiramay sa pagkamatay ng tatlong OFWs sa Dubai, United Arab Emirates dulot ng pagbaha kamakailan.
Ang pagbaha po sa Dubai, UAE ay isang malagim na paalala ng patuloy na lumalaking hamon ng pagbabago ng klima sa ating daigdig. Saan man tayo sa mundo ay hindi po natin dapat isawalang bahala ang panganib na maaring maranasan ng ating mga kababayan na nagsasakripisyo para matustusan ang kanilang mga pamilya.
Sa panahon ngayon na maraming digmaan, lindol, at iba’t-iba pang mga kalamidad, dapat manatiling handa ang ating mga kababayan at pamahalaan na tumugon sa mga hamon kailanman ito dumating.
“Sila ang mga tunay na bagong bayani na nagbubuwis ng buhay para sa kanilang pamilya at ekonomiya ng bansa”.
Hinihiling ko sa DMW-OWWA na agad na asikasuhin ang mga labi nila para maiuwi sa Pilipinas at maibigay kaagad ang mga benepisyong nararapat na matanggap ng kanilang mga kaanak.
Muli, kasama ang aking pamilya, nakikiramay po ako sa lahat ng mga naulila at mga mahal sa buhay ng 3 OFWs sa Dubai. Mula sa Facebook page ni Senator Lito Lapid