MAGKAKAROON ng lektura at paglulunsad ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng Modyul sa Pagtuturo ng Filipino Bilang Pangalawang Wika sa Abril 17, 2024, 1–4 nh, sa Philippine Normal University, Maynila.
Tampok sa paglulusad ang pagbibigay ng lektura nina Dr. Purificacion Delima (Komisyoner para sa Wikang Ilokano ng KWF mula 2013–2020) at Dr. Wennielyn Fajilan (propesor at direktor ng UST Sentro ng Salin at Araling Salin), kabilang sa mga awtor na gumawa ng modyul.
Mababasa sa modyul ang mga batayang teorya at praktika na may kinalaman sa pagkatuto at pagtuturo ng Filipino bilang pangalawang wika na makatutulong sa mga guro sa buong bansa.
Bukás at libre ang pagdalo sa online o face-to-face na lektura at paglulunsad. Maaaring magpatalâ sa https://forms.gle/YCoXDiy4TQStCR2n6 o makipag-ugnay sa [email protected]
Hinihikayat ng KWF na dumalo ang mga guro lalo na ang mga nagtuturo sa labas ng NCR at Luzon.