25.1 C
Manila
Biyernes, Disyembre 27, 2024

Balance of payments surplus noong 2023, ipinaliwanag

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

BAKIT nagkaroon ng balance of payments (BOP) surplus noong 2023? Saan nanggagaling ang surplus samantalang bumababa ang exports of goods natin?

Noong 2023, nagkaroon ng BOP surplus ang bansa na nagkakahalaga ng $3.67 bilyon, kabaligtaran sa BOP deficit na $7.26 bilyon noong 2022. Ang ibig sabihin nito ay mas maraming foreign exchange receipts kaysa foreign exchange payments. Ang foreign exchange ay mga pera ng ibang bansa gaya ng US dollar, Japanese yen, Chinese yuan, atbp.

Saan nanggaling ang foreign exchange receipts na ito? Hindi ito galing sa exports of goods kasi bumaba ito mula $57.8 bilyon noong 2022 sa $55.3 bilyon noong 2023, 4.4 porsiyento na pagbagsak.

Una,  lumakas ang exports of services mula $41.1 bilyon sa $48.3 bilyon, 17.5 porsiyento na paglago. Kasama rito ang turismo kung saan lumago ang revenues mula $4.2 bilyon noong 2022 sa $9.1 bilyon noong 2023, 116.7 porsiyento na paglago. Dahil sa pagkawala ng pandemya, nagsimula nang bumalik ang mga turista sa bansa.

Kasama rin dito ang mga tinatawag na information technology (IT)-enabled services gaya ng call centers, data storage and accounting services, animation, at transcription and translation services. Ang mga IT-enabled services ay lumago mula $21.2 bilyon sa $23.1 bilyon, 9 porsiyento na pagtaas.


Ang ikatlong kategorya ng exports of services ay ang passenger, freight and other transport na lumaki mula $2.7 bilyon sa $3.0 bilyon, 13.1 porsiyento na paglakas. Ang services na ito ay ibinibigay ng mga airlines at barko. Bumalik na ang mga turista, cruise ships at pandaigdigang kalakalan.

Ikalawa, patuloy ang pagtaas ng secondary income receipts o ang overseas Filipino workers’ (OFW) remittances. Lumago ito sa 2.8 porsiyento sa $32.1 bilyon mula $31.3 bilyon. Nagsimula nang magpadala ulit ang mga OFWs sa abroad dahil sa pagkawala ng pandemya.

Ikatlo, rumatsada rin ang primary income receipts na kung saan kasama ang kita galing sa ibang bansa ng mga investments abroad ng mga Pilipinong namumuhunan. Lumago ito sa $16.4 bilyon mula $13.3 bilyon, 23.4 porsiyento na pag-akyat.

Sa kabilang dako, humina ang imports of goods mula $128.5 bilyon sa $121.1 bilyon, 5.7 porsiyento na pagbagsak. Halos lahat na kategorya ng imports ay lumagapak. Ang pinakamalaking paghina ay nasa mineral fuels and lubricants na bumagsak mula $23.8 bilyon sa $19.9 bilyon, 16.3 porsiyento o $3.9 bilyon na pagbagsak. Ang dahilan nito ay ang 15.5 porsiyento na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado, mula $97.1 bawat bariles sa $82 bawat bariles. Ang susunod ay imports ng parts at components ng electronic products na bumaba mula $11.8 bilyon sa $8.6 bilyon, 27.6 porsiyento na paghina na nagkakahalaga ng $3.2 bilyon. Nagkaroon ng downturn ang electronics industry sa buong mundo dahil sa pagbawas sa purchasing power ng mga consumer dahil sa mataas na pag-akyat ng presyo ng pagkain. Ang ikatlo ay ang imports ng makinarya na dumausdos mula $30.2 bilyon sa $27.4 bilyon, 9.3 porsiyento o $2.8 bilyon na pagbaba. Dahil sa mataas na interest rates, ipinagpaliban ng mga lokal na namumuhunan ang pag-expand ng kanilang mga planta at paktorya.

- Advertisement -

Taliwas sa imports of goods, tumaas ang imports of services mula $25.4 bilyon sa $29.2 bilyon, 29.1 porsiyento na paglago. Umakyat ang payments sa services ng foreign airlines at shipping lines. Ganoon din ang papalabas na turismo.

Ang primary income outflows ay tumaas mula $8.1 bilyon sa $11.9 bilyon, 47.5 porsiyento  na pag-akyat. Tumaas ang mga palabas na bayarin sa dibidendo ng foreign investments at interest payments sa kanilang mga pautang.

Ang secondary outflows ay lumakas din dahil sa pagdami ng foreign expatriates na kasama sa mga foreign direct investments na umakyat sa $9.4 bilyon bawat taon mula 2017. Lumago ang secondary outflows mula $0.8 bilyon sa $1.1 bilyon, 39.8 porsiyento  na pag-akyat.

Sa huling araw ng Disyembre 2023, tumaas ang Gross International Reserves (GIR) sa $102.5 bilyon mula $96.2 bilyon noong huling araw ng 2022. Ang halagang ito ay kasya sa 7.7 buwan na imports ng goods at services, mas mataas kaysa minimum standard na 2-3 buwan.

Ang pagkakaroon ng malaking BOP surplus at tumataas na GIR sa harap ng mga uncertainties sa world economy na kung saan naglalagpakan ang exports of goods, nag-aakyatan ang mga interest rates at inflation,  at naglilipatan ang investors pabalik sa kanilang mga mother countries ay ebidensiya na malakas ang macroeconomic fundamentals ng bansa at di pa rin natitinag ang credit rating ng bansa. Kahit na humina ang ating GDP growth rate nang bahagya, kaakit-akit  pa rin ang Pilipinas bilang lokasyon ng kalakal.

Table 1. OVERALL BALANCE OF PAYMENTS ACCOUNT
2022 2023
OVERALL BALANCE (US$M) -7,263          3,672 -150.6%
OVERALL BALANCE (% OF GDP) -1.80% 0.84% -146.6%
I. CURRENT ACCOUNT
CURRENT ACCOUNT BALANCE (US$M) -18,261

 

-11,206 -38.6%
CURRENT ACCOUNT BALANCE (% OF GDP) -4.53% -2.56%
    EXPORTS      143,234      152,101 6.2%
    IMPORTS      161,495      163,307 1.1%
 
  A. TRADE IN GOODS & SERVICES BALANCE
TRADE IN GOODS & SERVICES BALANCES, US$M -54,921 -46,666 -15.0%
     % OF GDP -13.61% -10.66%
TRADE IN GOODS, BALANCE (US$M) -70,636 -65,787 -6.9%
TRADE IN GOODS, BALANCE (% of GDP) -17.50% -15.03%
     EXPORTS        57,832        55,316 -4.4%
     IMPORTS      128,468      121,103 -5.7%
TRADE IN SERVICES, BALANCE (US$M)        15,715        19,121
TRADE IN SERVICES, BALANCE (% of GDP) 3.89% 4.37% 21.7%
     EXPORTS        41,096        48,285 17.5%
     IMPORTS        25,381        29,164 14.9%
 
   B. INCOME BALANCE
TOTAL INCOME        35,832        35,463 -1.0%
PRIMARY INCOME, BALANCE (US$M)          5,346          4,416 -17.4%
PRIMARY INCOME, BALANCE (% of GDP) 1.32% 1.01%
    RECEIPTS        13,259        16,362 23.4%
    PAYMENTS            7,913        11,946 51.0%
SECONDARY INCOME BALANCE (US$M)        30,486        31,047 1.8%
SECONDARY INCOME, BALANCE (% of GDP) 7.55% 7.09%
    RECEIPTS        31,272        32,140 2.8%
    PAYMENTS  

- Advertisement -

786

         1,093 39.1%
II. CAPITAL ACCOUNT & OTHERS (NET FLOWS)          10,998          14,878
Source: BSP
- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -