MAY aabot sa 209 na Romblomanon na nagtapos sa Technical Education And Skills Development Authority (Tesda) ang tumanggap ng starter toolkits nitong Abril 3.
Ang mga benepisyaryo ay kabilang sa mga nagsipagtapos noong 2023 ng Bread and Pastry Production NC II, Driving NC II, Plant Crops Leading to Agricultural Crops Production NC II, at Service Electrical System Leading to Motorcycle/Small Engine Servicing NC II.
Ayon kay Tesda Romblon Acting Provincial Director Engr. Lynette Gatarin, mula ang mga benepisyaryo sa mga bayan ng Alcantara, Looc, San Jose at Santa Maria.
Personal na dumalo sa distribution si Congressman Eleandro Madrona na siyang nagpondo para maipasok sa schoolarship ang mga benepisyaryo sa ilalim ng Special Training for Employment Program.
Sa mensahe nito, nagpasalamat siya sa Tesda sa didikasyon ng ahensya para mabigyan ng trabaho ang mga Romblomanon sa pamamagitan nang kanilang mga skills training.
Dumalo din sa turn-over ceremony na ginanap sa Alcantara ang mga opisyal ng bayan ng Looc, Alcantara, at Santa Maria. (PJF/PIA MIMAROPA – Romblon)